^

PSN Opinyon

Pagbabalik?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGBABALA si dating Senador Rene Saguisag na maaaring maulit ang pagkakaroon ng diktaturya tulad noong panahon ni Marcos, dahil sa mga nakikita niyang kaganapan. Ang patuloy na militarisasyon sa Mindanao, ang pagkakakulong kay Sen. Leila de Lima, ang pagtanggal kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at ngayon, ang pagbawi ng amnestiya ni Sen. Antonio Trillanes. Maaaring isipin na si President Duterte ang nasa likod ng lahat na ito, kahit panay ang tanggi ng Palasyo.  

Nagpahayag noon si Duterte na diktador siya, kasi kailangan daw para maisaayos ang bayan. Pero bukod sa dami ng namamatay ngayon kaugnay ng kampanya sa ilegal na droga, ang tila nangyayari ay pinatatahimik ang kanyang mga kritiko. Nabanggit ko na noon na hindi makatanggap ng kritisismo si Duterte. Nasanay na sa kaharian niya sa Davao kung saan siya at ang kanyang pamilya ang namuno ng ilang dekada. Kaya kapag may mga matinding kritiko, tila hinahanapan ng dahilan para makasuhan, makulong. Ganyan din daw noong panahon ni Marcos sa ilalim ng martial law, ayon kay Saguisag. Hawak ni Marcos noon ang pulis at militar. Hindi ba ganundin ngayon? Hindi ba hawak ni Duterte ang pulis at militar? Bumalik ang mga Marcos sa pulitika. Parang walang nangyari noong EDSA 1986 nang mapatalsik si Marcos at napilitang umalis ng bansa, kasama ang pamilya. Ngayon, unti-unting bumabalik, at sa mga mataas pang posisyon sa bansa.

Kaya mahalaga ang laban ni Trillanes ngayon. Dinala na nga sa Korte Suprema ang pagkuwestiyon ng pagbawi ni Duterte sa kanyang amnestiya. Pero tandaan na ang Korte Supremang ito ang nagtanggal kay Sereno ilang buwan lang ang nakararaan. At ang Chief Justice ngayon ay ang pangunahing kritiko ni Sereno. Sana ay mabigyan si Trillanes ng tunay na hustisya. Makikita sa kasong ito kung tunay na may “judicial independence” ang Korte Suprema. Makikita kung tunay na may demokrasya pa sa bansa.

vuukle comment

RENE SAGUISAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with