^

PSN Opinyon

Sinisira na si Cascolan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAG-IIKOT si alyas Boyet Kalabaw sa mga pasugalan, putahan at iba pang pagkakakitaan sa northern Metro Manila at ang ginigisang pangalan ay kay NCRPO chief Dir. Camilo Cascolan. Sa pakikipag-usap niya sa mga gambling lords at operators o financiers ng beerhouses at putahan, sinabi ni Boyet Kalabaw na sila ng amo niya na si Baby Marcelo ang nanalo sa bidding para sa weekly payola ni Cascolan. Hindi naman binanggit ni Boyet Kalabaw kung magkano ang bid ni Baby Marcelo basta ang iginigiit niya ay sila na ang bagong tong kolektor ng Bicutan. Hehehe! Hindi pa nga umiinit ang puwit ni Cascolan sa bagong puwesto ay may naninira na sa kanya. Pero teka lang pala! May green light kaya ni Cascolan ang tong collection activities nina Baby Marcelo at ang bata niyang si Boyet Kalabaw? Si Cascolan lang ang may alam na kasagutan dito, di ba mga suki?

Ang buwenas naman ni Baby Marcelo no mga suki? Sa totoo lang, masabi kong buwenas si Baby Marcelo dahil nakaahon pa siyang muli at ang kanyang grupo matapos sibakin ni CIDG director Dir. Roel Obusan dahil sa kasong “sunog”. Matatandaan na kaliwa’t kanang pagbubulgar ang inabot ni Obusan dahil hindi nakarating ang mga weekly payola para sa mga kausap nila si Baby Marcelo sa kadahilanang naghigpit daw si dating PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa illegal gambling. Si Bato ay nagyayabang na hindi siya kumuha sa illegal gambling subalit sa panahon na ‘yun ay may koleksiyon pa ang CIDG kaya hindi pumayag ang mga kausap nila na “bokya” sila kaya hayun si Obusan ang nagdusa. Sinibak ni Obusan si Baby Marcelo subalit hindi naman nawala ng trabaho si Boyet Kalabaw dahil kanang kamay siya ni alyas Don Ramon sa illegal gambling din sa Quezon City. At nang makaupo nga si Cascolan, aba balik na naman ang grasya ni Baby Marcelo at mga bataan niya, di ba mga suki? Hehehe! Ang ibig sabihin ba ay bukas na bukas pa ang mga pasugalan sa Metro Manila? Ano sa tingin n’yo mga suki?

Sa pagkaalam ko kasi, magpapakitang gilas lang si Cascolan sa NCRPO bago s’ya umakyat bilang Chief Directorial Staff (CDS) ng PNP matapos magretiro si Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario, ang Deputy chief for Administration sa Agosto. Subalit kapag patuloy na sinira nina Baby Marcelo at Boyet Kalabaw ang pangalan ni Cascolan sa pasugalan, putahan at mga beerhouse, aba imbes na umani ng pogi points si NCRPO chief ay sisirain na ang tsansa niyang maging PNP chief. Baka makarating kay President Duterte na imbes na ang trabaho ang unahin eh pagkitaan ang nasa isipan ni Cascolan at maikisan ang pangalan niya sa pagka-PNP chief. Puwede, di ba mga suki? Tiyak nakangiti na ang mga kalaban ni Cascolan sa pagka-PNP chief sa pagkakamali niya sa pagpili kay Baby Marcelo na over-all tong kolektor niya, di ba mga suki?

Kung si Boyet Kalabaw ang umiikot sa mga illegal sa Caloocan City, Valenzuela City, Navotas at Malabon City, tiyak meron ding umiikot sa area ng Eastern, Quezon City, Manila at Southern Police Districts, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment

CAMILO CASCOLAN.

GAMBLING LORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with