^

PSN Opinyon

Unti-unting paggalaw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILINDOL ang Batangas at mga kalapit na lugar noong Sabado ng hapon. Unang tinamaan ng lindol ang Batangas noong Miyerkules. May mga gusaling nagtamo ng danyos, at maraming tao ang nasa labas na ng kanilang mga tahanan dahil sa takot. Nagdeklara na ng state of calamity ang Batangas. Ramdam din sa Metro Manila ang lindol.

Ayon sa Phivolcs, karaniwan daw ang magkakasunod na lindol. “Earthquake swarm” ang tawag dito. Nagaganap daw ito kapag unti-unti ang paggalaw ng fault line, kaya sunud-sunod at hindi gaano kalakas ng lindol. May bagong natutunan na naman tayo mula sa kalikasan. Nalaman natin ang ibig sabihin ng “storm surge” noong tumama ang Yolanda, ngayon “earthquake swarm” naman. Pero kahit ano pa ang sabihin mo, nakakatakot ang lindol, anuman ang lakas o hina. Hindi ito tulad ng bagyo na alam mo kung kailan tatama, at makapaghahanda na. Kapag lumindol na, wala ka rin talagang magagawa kundi hintayin ang paghinto nito.

Mag-iisip ka tuloy kung malapit na ang tinatawag nilang “The Big One”. Ilang beses nang nababanggit ang malakas na lindol na ito, kaya nagsisigawa ng pagsasanay o “earthquake drills” ang gobyerno, para kahit papano ay alam ng mga tao ang dapat gawin kapag tumama ang isang malakas na lindol.

Hindi rin dapat paniwalaan ang mga text na kumakalat hinggil sa malakas na lindol, at hindi rin dapat ikinakalat. Ang dapat nga ay matukoy kung sinu-sino ang nagpapasimuno nito, at kasuhan. Kahit ang mga eksperto ng ibang bansa ay hindi masasabi kung kailan tatama ang isang lindol. Kaya walang batayan ang mga nagsasabing tatama ang lindol sa ganitong oras. Alamin lang ang mga dapat gawin kapag lumindol. Maghanda ng bag na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, pagkain, gamot, flashlight, posporo, radyo na de baterya at kung ano pang maisip na makakatulong. Mabuti pa rin ang handa.

EARTHQUAKE SWARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with