^

PSN Opinyon

Demonyong ‘maniac’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAPAIYAK sa galit ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mabalitaan nila ang ginawang panghahalay sa isang 2 years old baby girl ng isang 23 years old kelot na demonyong ‘maniac’ dyan sa isang lugar sa Balangan, Bataan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob mismo ng banyo binibira ng demonyong ‘maniac’ ang batang paslit.

‘Hindi na naawa ang demonyong ‘maniac’ sa paslit na biktima.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuko ang ginagawa ng demonyong maniac sa biktima ng makita ng utol ng huli ang ginagawa sa pobreng alindahaw pero bago makapag-sumbong ang kapatid ay iniuntog muna ang ulo niya sa inidoro.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng ingay sa loob ng banyo kaya nabuko ng mga kapitbahay ang ginagawa ng demonyong ‘maniac’ sa magkapatid.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na nila pinangalanan ang suspect at ang biktima para na rin sa kaligtasan ng huli at kahihiyan na idinulot sa pamilya nito.

‘Dapat ang suspect ay ibigay na regalo kay Satanas para magsama silang dalawa sa impierno.’ sabi ng kuwagong manananggal.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa malaman kung lango sa droga o sa alak ang demonyong ‘maniac.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro pagdating nito sa city jail baka siya naman ang sarguhin sa puwit ng mga bilanggo doon.

Abangan.

Nandamay pa sa traffic!

NAG-IINIT ang mga ulo at iritado ang madlang motorists oras na dumaan dyan sa kahabaan ng East Avenue, Kyusi.

Bakit?

Sagot - sobrang traffic ang nararanasan nila dito porke ginawang paradahan ang harapan ng LTFRB ng mga colorum vehicles na napaghuhuli nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalagan ng madlang motorists ang grabeng traffic dahil kinakain ang kanilang oras para makalusot sa trapiko ang kanilang mga sasakyan.

Bakit ganoon?

Sagot - ginawang impounding area ng mga bright sa LTFRB ang kalsada.

Sabi nga, humupa ng kaunti ang nararanasan traffic sa EDSA dahil sa East Avenue ito inilipat? Hehehe!

Ano ba ito?

Ayon sa mga reklamador, ginawang paradahan ng mga nahuling colorum vehicles ang dalawang outer lanes sa kalsada ng East Avenue dahil wala nang paglagyan ng mga illegal public vehicles ang LTFRB kaya naman pati kalye sa harapan ng tanggapan nila ay ginamit na rin.

‘Saan kaya humihiram ng kapal na mukha ang mga bright sa LTFRB kasi parang wala silang pakialam sa madlang motorists na dumadaan dito?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang kampana este mali kampanya pala ng LTFRB laban sa mga colorum vehicles tulad ng walang franchise, out of line, gumagamit ng pekeng plaka at walang dokumento.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang multa sa mga nahuhuling colorum vehicles kaya naman hindi agad ito natutubos.

Sa ilalim kasi ng Joint Administrative Order ng DOTC, may P6,000  ang penalty ng ma-iimpound na  motorsiklo, P50,000 – colorum na pampasaherong jeep, P120,000 colorum na taxi, P200,000 para sa colorum van at P1 million para sa colorum bus.

‘Tama lang ang halaga nang multa dapat kasi silang disiplinahin para matigil na ang kanilang kagaguhan sa gobierno.’ sabi ng kuwagong bolero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kulang sa funding ang LTFRB kaya hindi sila makakuha ng impounding area para paglagyan ng mga nahuhuling colorum vehicles.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mayroon na daw nakuha ang DOTr sa ‘praise release’ ni Secretary Art Tugade sa Tarlac dahil dito ang gagawin impounding area ng mga mahuhuli colorum.

Ang problema mukhang drawing pa ito?

Abangan.

 

vuukle comment

MANIAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with