^

PSN Opinyon

Masaker

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI paman nabubura sa isipan ng sambayanan ang nangyaring Mendiola massacre na naganap noong Enero­ 22, 1987, Aba’y muli na naman naulit ito sa Kida­pawan City. Kung noon si dating Pres. Cory Aquino ang sinisisi sa madugong pagbuwag ng mga raliyista subalit ngayon mukhang ang patutunguhan na naman nito ay si Pangulong Noynoy Aquino na naman ang tinutumbok ng mga militante. Kasi kung noon ang sinisigaw ng mga raliyista ay lupa at trabaho ngayon naman ang pinag-ugatan ng madugong pagbuwag sa hanay ng mga magsasaka ay ang isyu sa bigas bilang panawid-gutom ng mga residente roon matapos na tamaan ng tagtuyot dulot ng El Niño. Todo ang hinagpis ng mga magbubukid sa naturang lalawigan dahil sa halip na ayudahan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng financial assistance mula sa pondo na Department of Agriculture, bala ang pinakawalan ng mga pulis at sundalo sa mga nag-iingay na mga raliyista. Sa ngayon todo-todo ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights sa pangyayari dahil dalawa sa mga raliyista ang namatay at mahigit sa 30 pa ang sugatan.

Syempre hindi rin maitatwa na marami rin ang nasaktan sa hanay ng kapulisan at bumbero nang umulan ang tipak-tipak na bato at bambuhan. Sino nga ba ang nagsimula at bakit humantong sa puntong patayan at sakitan?  Marahil iyan ang pangunahing katanungan na dapat na arukin at pakakatutukan ni Atty. Erlan De­luvio, CHR director ng Region 12. Kasi nga ang magiging resulta nito ay siyang magiging basihan ng mga botante sa darating na Mayo 9 eleksyon. At habang umuusad ang imbestigasyon diyan sa may Kidapawan City, aba’y muli na naman nakulapulan ng isa pang nakakahiyang situwasyon itong administrasyon ni P-Noy, ito’y matapos na mawalan ng kuryente ang Ninoy Aquino International Airport- Terminal-3 sa Pasay City. Tumagal kasi ng may limang oras na sarado ang naturang airport kung kaya libu-libong pasahero ang naglagatikan ang mga ngipin sa inis. Paano nga naman naiwang nakatengga ang mga pasahero na litong-lito sa pangyayari dahil walang representante ang NAIA official bukod kay Dave De Castro ang spokeperson ng Manila Internation Airport Authority.

Bukod kasi sa puyat at gutom na itong mga naiiritang pasahero walang palikuran na pagbubuhusan nila ng sama ng loob este tawag ng kalikasan. Hehehe! Sa loob lamang kasi ng terminal mayroon mga palikuran kung kayat tablado ang lahat na pumasok bilang paghihigpit ng mga sekyu. Ang masakit pa nito may ilang pasahero ang nawalan ng mga mahahalagang kagamitan matapos na maburiki umano ang kanilang bagahe. At lalo pang nagtagisan ng mga ngipin ng mga pasahero ng magturuan ang NAIA/MIAA authority at Meralco hingil sa pag-trip ng kuryente. Kasi nga na-drain umano ang mga battery ng mga GenSet ng naturang paliparan kung kayat hindi agad naibalit ang koryente. Mukhang walang pinagkaiba itong pangyayari sa NAIA sa LRT/MRT na nasa ilalim ng pangangasiwa ni DOTC sec. Joseph Emilio Abaya.  Palabas lamang kaya itong iskandalo diyan sa NAIA upang maibaling ang isyu sa Kidapawan City bloody incident? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with