^

PSN Opinyon

Cremation sa North Cemetery libre

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang serbisyo ng cremation sa Manila North Cemetery ay walang bayad para sa mga mahihirap. Pero may mga reklamo mula sa mga kaanak ng mga namatay na sini­singil sila sa serbisyong ito. Ang modernong diesel-fed at smoke-free crematorium ay isang proyekto ni Manila 1st District Rep. Benjamin Asilo na nagsimula noong pang 2008 at pinondohan ng kanyang tanggapan bilang Kongresista. Kaya nang malaman ni Asilo ang paniningil ng sementeryo sa mga mahihirap na ipinaki-cremate ang labi ng kanilang mga yumao, dali-dali niyang nilinaw na ang serbisyong ito ay “walang bayad”.

Kung uungkat tayo ng isang makasaysayang libi­ngan, bukod sa Libingan ng mga Bayani, isa na marahil sa ma­ituturing na mahalaga sa kasaysayan ang Manila North Cemetry. Kung babanggitin natin ang lahat ng mga bantog na taong bahagi ng history na nakalibing diyan, kukulangin ang espasyo ng kolum na ito.

Pero ang ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino (Tandang Sora), Maria Agoncillo (misis ni dating Presidente Emilio Aguinaldo, ang makatang si Jose Corazon de Jesus at ang pamosong mag-ama na sina Fernando Poe Sr. at Fernando Poe Jr. Kaya mapalad ang mga common-tao  na nakalibing dito sa piling ng mga bayani ng lahi.

Nakalulungkot din na ang mga mahihirap na naka­libing diyan na hindi nababayaran ng mga kaanak ang upa sa paggamit ng puntod ay sapilitang tinatanggal at kung minsan, makikita na lang ang mga nagkalat na bungo at butu-buto kung saan-saan.

Balita ko, magsusulong ng programa si Cong. Asilo  para magpatupad ng mga reporma sa Manila North Ce­metery. Si Asilo ay kumakandidato sa pagka-bise presidente.

Suhestyon ko lang, dapat ay mamonitor maigi ang operasyon diyan ng crematory service para makastigo at maparusahan ang mga nananamantala.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASILO

BENJAMIN ASILO

DISTRICT REP

FERNANDO POE JR. KAYA

FERNANDO POE SR.

JOSE CORAZON

MANILA NORTH CE

MANILA NORTH CEMETERY

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with