^

PSN Opinyon

CCT pang blackmail?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mukhang hindi magandang pakinggan ang tsimis na nakarating sa mga asset na gagamitin diumano sa kampanya ni LP presidential candidate Mar Roxas, ang Conditional Cash Transfer,  na kilala rin sa tawad este mali tawag pala na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng DSWD. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang 4Ps o CCT ay inumpisahan ni GMA noong pangulo pa ito ng Philippines my Philippines at ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon sa pangangasiwa ni DSWD Sec. Dinky Soliman, na siya rin kalihim ni Aling Gloria noon. Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sakaling talo si Mar sa pagka-panggulo este mali pangulo pala ititigil diumano ang pagbibigay ng atik na tulong sa 4.4 million madlang people bilang benepisaryo ng programa.

Ika nga, gagamiting pang-blackmail ang CCT para mapuersang bumoto diumano ang madlang people na saklaw ng programa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi sa tsimis hindi kaya ito ang tinutukoy ni Sec. Soliman sa kanyang diumano’y naging pahayag na ang kapalaran ng CCT ay nasa kamay ng mga botante?

Ito ba iyon?

Naku ha, tinamaan ng magaling!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung totoo ito, isa itong napakalaking krimen at tahasang pambabastos sa madlang Pinoy, bukod pa sa pambababoy ito sa umiiral na demokratikong proseso na kung tawagin ay eleksyon. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang masaklap, ang programang gustong ipang-blackmail, kung totoo nga ang usap-usapang sa barberya, ay tinutustusan ng buwis ng milyun-milyong madlang Pinoy na nagpapakahirap at halos magpakamatay na sa pagtatrabaho para lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, at makatulong din naman sa kanilang gobyerno sa pamamagitan ng matapat na pagbabayad ng buwis. Ibinida ng mga bumubulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon pa lang ay dapat na magpaliwanag ang administrasyon sa kuwentong ito bago pa ito sumabog mismo sa mukha ng kanilang ini-endorsong kandidato.

Ika nga, kawawa naman!

Abangan.

Binansagan ‘Boy laglag’

NATATAWA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang mag-rally the other week sa Supreme Court ang grupo ng Philippine Crusader for Justice laban kay vice presidentiable Chiz Escudero dahil tinawag pa nilang ‘Boy laglag’ ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang FPJ este mali PCJ pala, ay grupo ng mga masugid na nagmamahal at sumusuporta nang walang pag-aalinlangan kay Senator Grace Poe lalo na sa kanyang kandidatura  ngayon bilang panggulo este mali pangulo pala ng Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit nakakuha ng dalawang TRO si Sen. Grace, gusto ng PCJ na baliktarin daw ng Supreme Court ang desisyon ng COMELEC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanilang rally sa SC matapos ma-disqualified si Sen. Grace, binansagan nila si Chiz na ‘Ahascudero’ at ‘Boy Laglag.’

Sabi nga, sinisisi nila si Chiz sa kinakaharap ni Sen. Grace ngayon sa kanyang kandidatura.

Bakit?

Sagot - ibinuyo diumano ni Chiz si Sen. Grace na tumakbong presidente para hindi niya makalaban bilang vice president?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabi ng grupo na kung si Chiz ang makakalaban ni Grace kayang-kaya siyang ilampaso ng huli sa vice presidential race.

Ayon sa grupong FPJ este mali PCJ pala nang mabola diumano at makuha si Grace, nawala ang banta sa kanyang inaasam na vice presidency, nahatak pa paitaas ng popular na anak ni Panday ang kanyang kandidatura.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa palagay ng PCJ pasok na pasok ang plano diumano ni Chiz para sa kanyang pansariling interes?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Kawawa naman si Grace dahil siya lang ang tumutupad sa usapang ‘walang maiiwan,’ pero ang tandem niya diumano ang unang nang-iiwan?’ sabi ng kuwagong malupit.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, ang mga ipinukol ng FPJ este mali PCJ pala ay pinabulaanan ng kampo ni Poe at gayun din si Chiz dahil wala naman daw ganitong pangyayaring nangyayari sa ‘riding in tandem’ este mali magka-tandem pala.

Abangan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

CHIZ

ITO

KUWAGO

MGA

MISMO

NAKU

ORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with