^

PSN Opinyon

‘Pangangalakal ng kaguluhan’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI kailangang labagin ang batas para maipatupad ang batas.

May ilan kasing mga nagsasabi ng kani-kanilang opinyon, pananaw at pagbabakasakali.

Papaano raw kung manalo ‘yung isang presidentiable mula sa Davao. Baka daw kabi-kabila na ang mga patayan. Mangingibabaw na ang paglabag sa karapatang pantao o human rights ng marami.

Papaano daw kung ang mga nasa loob ng kulungan na mga nahuling kriminal biglang nagbago at naging mabuting tao? Papaano raw kung ang mga napatay ay napagkamalan lang?

Puro espekulasyon at pagbabakasakali.

Estilong pagbibigay ng hustisya ni Mayor Rudy Duterte­ ang kanilang tinutukoy. Hindi raw kailangang labagin ang batas para maipatupad ang batas. Tama.

Kung mayroon mang dapat gawin ang mga nanga­ngalakal ng mga kaguluhang ito, dapat tingnan muna ang totoong dahilan ng problema.

Tingnan ang buong larawan hindi ‘yung sa iisang banda lang kung saan pabor sa kanilang sitwasyon sa buhay at kinatatayuan.

Magkaiba ang desperasyon ng mga salat sa mga pangangailangan at pagiging dismayado ng mga nakakasapat sa kaalaman at pangangailangan.

Hangga’t may kahirapan may krimen. Walang solusyon sa krimen dahil ayaw tingnan ng mga namumuno sa lipunan ang totoong ugat ng problema.

Mas marami ang desperado sa bansa. Ang tangi nilang naiisip na paraan para malamnan ang kumakalam na sikmura ay magnakaw o gumawa ng iba’t ibang krimen.

Kumpara sa mga sapat nagsasalita lang depende sa kanilang pananaw sa mga nakikita at hindi nararamdaman.

Hindi ako nag-eendorso. Ito ay pag-aanalisa lamang sa mga pangyayari at mga kaganapan.

Maging matalino. Mag-analisa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00 – 11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

DAVAO

ESTILONG

HANGGA

ITO

KUMPARA

MAYOR RUDY DUTERTE

MGA

PAPAANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with