^

PSN Opinyon

Kumpirmado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINUMPIRMA ng NBI na may nagaganap na “tanim-bala” sa NAIA, pero wala umanong indikasyon na may malaking sindikato na nasa likod nito. Ang tingin ng NBI ay pinagsasamantalahan lang ng ilang mga tiwa­ling tauhan sa NAIA ang oportunidad na mangikil sa mga paalis na pasahero, base na rin sa datos ng nakaraang limang taon na kanilang siniyasat. Hindi rin daw sangkot ang mga matataas na opisyal sa NAIA, pero may mga pulis na sangkot. Ang sinasabi nila ay hindi nila inim­bestigahan ang mga matataas na opisyal, dahil ang mga insidente lang sa NAIA ang kanilang tiningnan. Narinig naman natin na walang alam ang mataas na opisyal ng NAIA, maging sa mga operasyon o kung sino ang dapat humahawak ng mga kasong iyan, hindi ba? May doktrina ng “command res­ponsibility” ang mga ahensiya ng gobyerno pero sa tingin ko hindi rin nila alam ang ibig sabihin nito.

May sindikato man o wala, kumpirmado na nangyayari ang krimen. Kaya dapat may gawin ang mga opis­yal ng NAIA para masugpo ang mga kawatan na ito. Wala nang pakialam ang pasahero kung biktima siya ng sindikato o hindi. Kapag nataniman ng bala, maa­aring masira ang kanilang mga buhay, katulad ng nangyari kay Gloria Ortinez, isang OFW na paalis na sana ng Hong Kong. Mabuti na lang at naging maganda ang katapusan ng kanyang pinagdaanan. Kinasuhan ng NBI ang dalawang tauhan ng OTS at apat na pulis ng PNP-AVSEGROUP, partikular sa kaso ni Lane Michael White, ang Amerikanong misyonaryo na nakitaan umano ng bala sa kanyang bagahe.

Base sa mga pagsasalaysay ni White, hiningan siya umano ng P30,000 para huwag na ituloy ang kaso. Tinakot din ang kanyang stepmother ng mga pulis na masisira lang ang buhay ng Amerikano kung makakasuhan at makulong. Sa video na isinumite sa korte, higit limang beses ipinasok sa x-ray ang bagahe ni White bago nadiskubre ang bala, kaya may pagdududa na.

Ibinasura na ng korte sa Pasay ang kaso kay White. Dahil kakasuhan na rin ang mga tauhan ng OTS at AVSEGROUP na humawak sa kaso niya, wala nang dahilan para ituloy pa ang kaso. Sana matukoy ang iba pang sangkot sa krimen na ito. Marami na ang nabiktima, hindi na lang nagsalita para makaalis lang. Kaya naging laganap ang krimen dahil madaling kumita. Hindi ako naniniwala na dalawa lang sa OTS ang kakasuhan. Dapat magsalita na ang mga naging biktima at ituro na ang mga kawatan sa NAIA, ngayong kumpirmado na nagaganap nga ang “tanim-bala”.

vuukle comment

ACIRC

AMERIKANO

ANG

GLORIA ORTINEZ

HINDI

HONG KONG

KAYA

LANE MICHAEL WHITE

LANG

MGA

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with