^

PSN Opinyon

EDITORYAL – May armory sa NBP

Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN lang nagkaroon ng rumble ang magkalabang grupo sa New Bilibid Prisons (NBP) na ikinamatay ng isang bilanggo. Iyon ang naging dahilan para halughugin ang mga gusali roon at nakakumpiska ng matataas na kalibreng baril, bala, granada at mga patalim. Nakabaon ang mga baril sa suwelo. Nang tungkabin ang tiles nakita ang mga baril. Mayroong mga baril na nakatago sa ilalim ng barya para hindi maghinala ang raiders.

Kahapon, muling hinalughog ang tatlong gusali sa maximum security at tumambad ang napakaraming baril na nakabaon sa suwelo. Iba’t ibang kalibre ng baril (M-16 armalite, shotgun, kalibre .45, at 9mm pistol) ang nakatago na parang may armory doon. Bukod sa mga baril at patalim, nakakumpiska rin ng mga drug paraphernalias, sex toys, balumbon ng pera at marami pang iba. Naganap ang paghalughog dakong 4:30 ng hapon.

Tiyak na marami pang nakatagong baril sa loob ng mga gusali at hindi nakita. Baka mas marami pa ang nakatago kaysa nakumpiska. Nararapat magsagawa pa ng paghalughog ang mga awtoridad para matiyak na wala nang mga armas at bala.

Ngayon ay marami na naman ang nagta­tanong kung papaano naipasok sa loob ang mga mata­taas na kalibre ng baril. Paano nailusot ang mga ito?

Hindi na dapat pang itanong, sagad na sa korapsiyon ang ginagawa ng mga prison guard. Ang mga guard na ito ang natatapalan ng pera para maipasok ang mga armas. Basta may pera, magagawa ang lahat para maipasok ang anumang magustuhan. Kahit nga Jacuzzi, king-size bed, bathtub, aircon, ref, alak, cell phones, gadgets, pera at droga ay naipasok doon.

Ang nararapat gawin ng kasalukuyang DOJ Secretary ay sibakin lahat ang prison guard at palitan ng mga matitino,. O kaya, mga sundalo na ang bantay para walang problema. Kung hindi papalitan ang mga corrupt na guard, dadami pa ang baril sa armory ng NBP at tatalunin pa ang mga guard. Kaya na nilang makipagbarilan sa mga ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARIL

BUKOD

IYON

JACUZZI

KAHAPON

KAHIT

KAYA

MGA

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with