^

PSN Opinyon

3-cornered fight sa Manila

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TATLO ang magtutunggali sa mayoralty race sa Manila: Incumbent Mayor Joseph Estrada, former Manila Mayor Fred Lim at si Manila Rep. Amado Bagatsing.

Sino sa palagay n’yo ang nakalalamang? Si Lim ay tinalo ni Erap nung nakaraang eleksyon samantala si Erap ay nahaharap sa kontrobersya nang isapribado ang mga public market sa lungsod, bagay na ipinagngitngit ng mga vendors.

Si Bagatsing naman ay wala akong maipintas sa track record bilang Kongresista ng lungsod at ang pangalan ay hindi nasangkot sa anumang katiwalian. Ang tatay niya na si dating Manila Mayor Ramon Bagatsing ay malinis din ang reputasyon at kilalang mabuting tao.

Sa tinagal-tagal ko sa media, kasama na ang pani­nilbihan ko bilang brodkaster, inabutan ko na iyang si Ramon Bagatsing na marunong makisalamuha sa tao. Sasabihin marahil ng iba isa siyang “trapo” pero walang masama sa pakikisalamuha sa taumbayan kung sinsero ang iyong dahilan dahil ang tao ang pinaglilingkuran ng halal na opisyal. Ang importante ay ang buting nagagawa ng isang inihalal na public servant. Natatandaan ko pa, nagpapakulong pa ang matandang Bagatsing para maki-bonding sa mga preso ng Manila City Jail tuwing kaarawan niya.

Si Amado ay tumatakbong alkalde ng lungsod at ang kanyang bise ay si Ali Atienza. Nagulat ako nang mabalitaan ko na may kumakalat sa social media na siya ay bise rin ni Lim at tinawag silang “third force.”  Ang alam ko, si Rep. Atong Asilo ang running mate ni Lim at nabalitaan kong tila nairita si Asilo sa kumalat na maling balita. Mali dahil itinanggi na ito ni Atienza. Obviously, merong sektor na gustong guluhin ang isang mapayapang halalan sa Maynila. Mahirap namang maghusga kung sino ang gumagawa ng intriga. Pero iyan ang pulitika sa ating bansa. Punumpuno ng intrigahan.

Ang tanong ay, kaya ba ni Bagatsing na sagupain ang dalawang maton sa larangan ng pulitika sa Maynila na may malakas na makinarya at salapi? Malungkot kasi na sa Pilipinas, hindi na abilidad, kapabilidad at sinseridad ang importanteng factors para manalo sa eleksyon kundi pera at makinarya. Hayz…kelan pa magbabago ang sistemang ito sa bansa?

vuukle comment

ACIRC

ALI ATIENZA

AMADO BAGATSING

ANG

ATONG ASILO

BAGATSING

ERAP

INCUMBENT MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA CITY JAIL

MANILA MAYOR FRED LIM

MANILA MAYOR RAMON BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with