^

PSN Opinyon

Ito ang basahin mo Mayor Peña

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

DAPAT sundutin sa puwit ni Makati City acting Mayor Kid Peña ang mga taga - Makati Public Safety Department na nakatalaga dyan sa kanto ng Pasong Tamo St., at J.P Rizal hanggang sa may Kalayaan St., dahil imbes na ayusin ng mga ito ang trapiko dito sila pa ang nagpapapila ng mga jeepney kaya naman ang traffic during rush hour ay grabe as in grabe.

“Mukhang matindi ang kalakaran dito sa nasabing lugar?’ sabi ng kuwagong kinikikilan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mistulang terminal ng ‘train’ ang pilahan ng jeepney sa nasabing lugar na may rutang PRC via Makati Square, puera pa rito ang mga nakabalandrang mga tricycle dyan sa dating PRC tapat ng mga bahay aliwan.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na parang walang disiplina ang mga taga - MAPSA sa pinag-uusapan natin place dahil sa harapan mismo nila nakaparada ang mga jeepney na nagsasakay ng pasahero.

‘Kumukuha kaya sila rito ng pang almusal o pang hapunan?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gustong palawigin pa ni Peña ang mga taga-MAPSA para makatulong sa traffic.

Naku ha!

Sana huwag na kung ganito rin lang ang sistema sa may kanto ng J.P Rizal, Pasong Tamo up to Kalayaan.

Abangan.

vuukle comment

ANG

ATILDE

KALAYAAN ST.

MAKATI CITY

MAKATI PUBLIC SAFETY DEPARTMENT

MAKATI SQUARE

MAYOR KID PE

MGA

P RIZAL

PASONG TAMO

PASONG TAMO ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with