^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibawal nang maaga pagdadala ng baril

Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang pagpa-file ng certificates of candidacy (CoCs) at kasunod ay ang pangangampanya ng mga kandidato. Maraming nababahala na titindi ang karahasan kapag nagsimula na ang campaign period. Karaniwang nagkakainitan ang magkakalabang pulitiko kapag panahon ng kampanya. Dito may inaambus o harap-harapang nagbabarilan.

Noong Lunes na magsimula ang filing ng CoC, isang mayor sa Zamboanga Sibugay ang inambus at napatay habang anim naman sa kanyang mga kasamahan ang nasugatan. Napatay si Mayor Randy Climaco ng Tungawan, Zamboanga Sibugay ilang oras makaraan siyang mag-file ng CoC. Nakasakay sa kanilang service vehicle ang mayor nang ambusin ng mga kalalakihang nakasakay sa motorsiklo.

Nang araw ding iyon, isa pang kandidato para sa konsehal ang binaril sa Antipolo City at malubhang nasugatan. Nakilala ang kandidato na si Macario Semilla Jr., 44, na tinamaan sa dibdib. Ayon sa pamilya ng biktima, pulitika ang nasa likod ng pamamaril.

Ang dalawang pangyayari ang nag-udyok sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting  (PPCRV) para hilingin sa Commission on Elections (Comelec) na ipatupad nang maaga ang pagbabawal sa lahat na magdala ng baril, maliban sa mga security ng President, Vice President, Senate President, House Speaker at Chief Justice. Bukod sa maagang gun ban, hiniling din ng PPCRV sa Comelec na huwag magbigay ng permiso sa mga pulitiko para magdala ng baril. Ayon sa PPCRV, kung ipagbabawal ang maagang gun ban sa panahon ng elections, makatitiyak na walang karahasan. Kung walang baril, walang kaguluhan at walang mamamatay.

Maganda ang mungkahi ng PPCRV at sana’y pakinggan ito ng Comelec. Kung mas maaga ang gun ban, tiyak na mababawasan ang karahasan.

Sa mga nakaraang election, marami nang namatay sa karahasan dahil pawang may mga baril ang pulitiko. Mayroon ding nagmimintina ng private army kaya nagiging malagim ang election. Kumilos sana ang Philippine National Police (PNP) para lansagin ang private armed groups. Karaniwang may private armed groups ang mga pulitiko sa Northern Luzon at sa mga bayan sa Maguindanao. Dapat buwagin ang mga ito.

vuukle comment

ANG

ANTIPOLO CITY

AYON

CHIEF JUSTICE

COMELEC

HOUSE SPEAKER

KARANIWANG

MACARIO SEMILLA JR.

MAYOR RANDY CLIMACO

MGA

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with