^

PSN Opinyon

‘Pakitang-gilas season’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“HULI man daw at magaling, naihahabol pa rin!”

Ganito ang kasalukuyang administrasyon kung saan si Pangulong Noy Aquino ikinukunsidera nang lame duck president. Papaano ba naman kasi, kung kailan matatapos na ang kanyang termino, saka palang magbubuhos ng pondo. 

Ang  mga proyekto, aktibidades at programa na noon pa dapat sinimulan, ngayon palang pinag-uusapan kung kailan malapit na ang eleksyon. Sa anumang kadahilanan, umiiral ang ugaling ‘teka-teka’ ng mga nakaupo kaya ang matin­ding napi-perwisyo, taumbayan.  

Hinihintay yata talaga ang eleksyon bago kumilos para makapag-iwan ng tatak sa isipan ng publiko at masabing may ginawa sila sa loob ng kanilang panunungkulan.

Tulad nitong sinabi ni Budget Secretary Butch Abad. Sini­guro niyang wala nang anumang mga pampublikong proyektong maaantala ngayong election season. Katuna­yan, gagawin daw ng administrasyon sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) ang lahat ng kanilang makakaya para mai-release lahat ng kakaila­ngang pondo.

Tulad ng sinabi ko sa aking programang BITAG Live kahapon, naturalmente, magpapakitang-gilas ang mga putok sa buho dahil kung hindi puputaktehin sila ng publiko. Ang re­sulta, mapupukulan ang kanilang manok at mga pambato sa susunod na eleksyon. Subalit ang nakakapagtaka, bakit nga­yon lang, kung kailan papalapit na ang eleksyon, saka lang sila magbubuhos ng pondo?

Intensyunal man o hindi ang resulta ng ugaling ‘teka-teka’ na ito, sa malisyosong pag-iisip ng isang Juan at Juana Dela Cruz, gagamitin itong pondo ng partido sa ngalan ng mga proyekto kuno.  

Kinakailangang lalo pang maging aktibo at agresibo ng mga infrastructure watchdog. Bantayan ang mga programa, aktibidades at proyektong nilalaanan ng pondo, baka sa halip mapunta sa mga rehiyon, mapunta sa bulsa ng kung sinumang kakulay na nakaupo.   

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming­, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GANITO

JUANA DELA CRUZ

MGA

PANGULONG NOY AQUINO

SHY

TULAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with