^

PSN Opinyon

‘Huwag sanang madaya’

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Kahit ngayon pa lang naglalabasan na

Mga kandidatong may pera at wala;

Palagay ng iba maraming kawawa

Pagka’t alam nating sila’y mga dukha!

 

At sa bansang ito batid nating lahat

Mga walang pera ay laging kulelat-

Kahit na artistang nag-ipon sa hirap

Dahil sa dinaya ay di nakaangat!

 

Tulad sa nangyari sa ating favorite

Dapat ay nagwagi sa botong nakamit;

Boto ng bilangin ay pawang dinagit

Ng mga buwitreng may pera at baril

Kung laging ganito ang ating halalan

Nasa panganib din ang mga lalaban;

Na ang tanging yaman nila’y karangalan

Katulad ni Grace Poe favorite ng bayan!

 

Kaya ngayon pa lang daming natatakot

Sa magiging bunga ng ating pagsubok;

Na siya’y ibangga sa mga balakyot

At mga may tahid at taring manok!

 

Sana’y di ganito magiging resulta

Ng ating eleks’yon ngayo’y malapit na;

Ang manalo sana kahit walang pera

Subali’t marangal may pusong dakila!

 

Mga kandidato ng administrasyon

May mga tungkuling hawak pa rin ngayon

Tiyak nating sila masama ang misyon

Posibleng mandaya sa ating eleks’yon!

 

Sana’y huwag dayain anak ng idolo

Na ang hangad lamang maglingkod sa tao;

Pag siya’y nadaya ay alam na ninyo

Masamang palakad hindi magbabago!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOTO

DAHIL

DAPAT

GRACE POE

KAHIT

KATULAD

KAYA

MGA

SANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with