^

PSN Opinyon

Nagkaisa na rinbang ASEAN

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA wakas, naglabas na ang ASEAN ng pahayag hinggil sa mga aktibidad ng China sa karagatan. Nagkaisa ang mga bansa ng ASEAN at dinemanda ang pagtigil ng China sa kanilang ginagawang reklamasyon ng mga isla at pagtayo ng mga istruktura, pati na rin ang paninindak sa mga barko at mangingisda ng ibang bansa. Nakababahala na ang malawakang pag-aangkin ng China sa karagatan, at pati ang himpapawid ay nais na ring bantayan. May mga paliparang itinayo sa mga isla, patunay na gagamitin ito ng kanilang militar para mapahigpit pa lalo ang hawak sa teritoryo.

Una nang sinabi ng China, na dumalo rin sa 48th ASEAN Foreign Ministers Meeting sa Malaysia, na hindi nila pag-uusapan ang isyung ito. Hindi raw ito pag-uusapan dahil sa kanila naman talaga ang buong karagatan at gagawin nila ang anumang gusto nilang gawin. Agad namang binatikos ng Pilipinas ang pahayag, at sinabing dapat lang italakay ng buong ASEAN. May mga bansang kampi kasi sa China, tulad ng Cambodia. Noong pagtitipon ng ASEAN sa Cambodia noong 2012, hinarang ng Cambodia ang anumang usapin tungkol sa mga aktibidad ng China. Dumalo rin si US Secretary of State John Kerry at kinausap ang foreign minister ng China. Hindi pa alam kung ano ang naging katapusan ng kanilang pag-uusap, pero alam natin na iba ang sinasabi ng China sa kanilang aktwal na ginagawa. Kilala na sila sa ganyang klaseng diplomasya.

Mabuti naman at nagkaisa na ang ASEAN. Hindi na talaga pwedeng magbulag-bulagan na lang sa mga ginagawa ng China. Ika nga ng Malaysia, masyadong mahalaga ang isyung ito para hindi pag-usapan o talakayin. Ayaw ng China ng ganitong klaseng pagpupulong. Ang nais ay makausap isa-isa ang mga bansang may interes sa karagatan. Kaya ganito ang gusto ay madali nilang masisindak ang bawat isa, kaysa labanan ang lahat sa isang international na usapan.

Mas maganda kung malakas na rin ang panawagan ng ibang bansa sa mga iligal na ginagawa ng China. Kasangga ng bansa ang Amerika, Japan, Australia bukod sa mga bansa ng ASEAN, maliban na lang sa iilang kampi ng China. Mas maganda kung maglabas din ng pahayag ang European Union at iba pang bansa, para mapilitan ang China na itigil ang lahat. Dapat maging malaya muli ang karagatan, lalo na sa mga mangingisda natin na halos nawalan ng hanapbuhay dahil sa pambu-bully ng China.

vuukle comment

AMERIKA

ANG

ASEAN

AYAW

BANSA

CHINA

DAPAT

EUROPEAN UNION

FOREIGN MINISTERS MEETING

MGA

SECRETARY OF STATE JOHN KERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with