^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaki ang Pag-asa

Pilipino Star Ngayon

PAGKATAPOS ng dilim ay muling sisikat ang araw. Pagkaraan ng unos ay muling tatahimik at sisilang ang bagong pag-asa. Gaano man kapait ang sumapit sa buhay, ang kapalit niyon ay kaligayahan. Katulad din nang sinasagisag ng pagkabuhay na muli ni Hesus na ipinagdiriwang sa araw na ito. Pagkaraan ng kanyang pagkakasakit para sa sangkatauhan, muli siyang nabuhay para magbigay ng pag-asa.

Ang pait na naranasan ng mga naulila ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos ay nadarama pa hanggang sa kasalukuyan. Kahit na ipinagkaloob na ng pamahalaan ang mga benepisyo para sa mga napatay na commandos, ang hapdi ay nananatili pa rin. Sumisigaw pa rin sila ng hustisya para sa mga namatay na bayani. Mahirap matanggap sa ngayon ang nangyari pero sa darating na panahon maaaring maghilom na ang sugat. At magiging mabilis ang pagbahaw kung magagawa ng pamahalaan na maisilbi ang hinihinging hustisya. Sisilang na ang bagong pag-asa mula sa mga naulila.

May pag-asa pa ring nakikita ang mga mahihirap na kapiranggot ang kinikita. Naniniwala pa rin silang magkakaroon ng magandang estratehiya ang pamahalaan kung paano mapapagaan ang krus na pasanin ng mga mahihirap. Malaki pa rin ang pag-asa nila na magigising ang Department of Trade and Industry (DTI) para utusan ang mga negosyante na ibaba ang presyo ng mga bilihin. Maraming beses nang nag-rollback ang oil pro-ducts subalit wala pa ring pagbabago sa presyo ng bilihin. Kahit ang sardinas, noodles, asukal, kape ay halos walang paggalaw sa presyo. Hirap na hirap na ang mahihirap.

May pag-asa pa ring nakikita ang mga pala­boy o pulubi sa kabila na nakikita lamang sila ng pamahalaan kapag may espesyal na taong bibisita lamang sa bansa --- tulad ni Pope Francis na dumalaw sa bansa noong nakaraang Enero. Hinakot ang mga pulubi at tinago sa isang resort para hindi makita ng Papa.

Malaki pa ang Pag-asa. Hindi namamatay ang Pag-asa ng mga Pinoy na naniniwalang uunlad pa ang bansang ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KAHIT

MALAKI

MGA

PAG

PAGKARAAN

POPE FRANCIS

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with