^

PSN Opinyon

Paging BIR Commissioner Kim Henares

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na inaantay ng madlang taxpayer ng Rizal province ang aksyon isasagawa ni Henares Kim para madisiplina raw si BIR - Taytay RDO Joseph Catapia, sa diumano’y mga reklamo ng kapalpakan at katamaran nito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, madalas diumano wala ito sa kanyang tanggapan kaya naman sangkaterba ang diumano’y mga pending transaction doon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, asal ‘king’ pa diumano itong makipag-usap sa madlang taxpayer at sa kanyang mga tauhan na kanyang tinanggapan este mali tanggapan pala.

Ika nga, office!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hihilingin nila sa Office of the Ombudsman o sa Civil Service Commission na imbestigahan ang diumano’y  mga ari - arian nito dahil makapal na raw ang mukha este mali bulsa pala nito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

MMDA Chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino

MATAGAL ng ibinalita sa madlang reader ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagtakbo bilang Senador sa 2016 Presidential erection este mali election pala ni MMDA Chairman Francis Tolentino kaya halos pirming nakikita ang mukha nito sa mga news at ang mga tirada ng mga handler niya sa paggawa ng ‘gimik?’ Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inaasahan lalo nito mapababayaan diumano ang kanyang trabaho para umpisahan na ang kanyang pag-ikot - ikot sa Philippines my Philippines para sa kampana este mali kampanya pala  at makamayan ang mga taga - provinces?

Sabi nga, vote for me?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Paano ngayon ang mga motorista sa nararanasan grabeng traffic sa Metro - Manila and EDSA?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sagot - matagal ng nangyayari ang ganitong situasyon. Hehehe!

Sabi nga, halos nasanay na rin ang madlang traveller dyan sa EDSA kahit asar silang dumaan dito dahil sa traffic.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas makakabuti sa madlang motorista na magbitiw na lang si Tolentino sa puesto para ibigay o ipasa niya sa may kakahayan i-minimize ang lalong lumalalang problema sa traffic. Ano sa palagay mo Manila City Vice Mayor Isko Moreno, Your Honor?

Abangan.

PMA Class 81 or 82 para sa CPNP

SINO kaya kina PNP Generals Garbo ng 81 o General Magalong ng 82 ang itatalaga ni P. Noy sa puestong para pumalit na kay suspended CPNP Alan Purisima?

“Hanggang ngayon ay alaws pang papalit kay Purisima dahil hindi pa ito pinagtutuunan ng pansin ni P. Noy pero ang OIC sa PNP ay si 3 star General Dindo Espina na may apat na buwan na lamang uupo bago ang kanyang retirement sa pagka-pulis.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang makukuha ni Garbo ang Crame dahil dikit diumano ito kay SILG Mar Roxas?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Siguro panahon na para magtalaga si P. Noy ng uupo dyan sa Crame.’

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

CRAME

KAYA

NAKU

SABI

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with