^

PSN Opinyon

Incompetency

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG sabi ni Sen. Grace Poe, naniniwala siyang mabuting tao si Presidente Noynoy at maihahanay sa iilang na-ging Pangulo ng bansa na walang record ng katiwalian. Naniniwala ako riyan.

Pero ang dugtong ng Senadora, maaaring may mga nakapalibot sa Pangulo na sumisira sa kanya. Aprub din sa akin ang sinabing iyan ng Senadora. Tinunghayan niya ang nilalaman ng resulta ng imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na Mamasapano incident na ang binubuntunan ng pangunahing sisi ay ang Presidente, ang suspendidong PNP Chief na si Alan Purisima at ang  sinibak na hepe ng Special Action Force (SAF) na si Getulio Napeñas.

So, ano ibig sabihin nito? Maaaring ang Pangulo ay nadiktahan ng mga maling suhestyon ng mga tauhan niya at nang pumalpak ang operasyon sa Mamasapano, nangunguna tuloy siya sa mga sinisisi ng taumbayan.

Puwede kasi na ikaw ang pinakamalinis at pinakamabait na leader. Hindi nagnanakaw at walang record ng katiwalian. Ngunit iba naman sa usapin ng korap­syon ang isyu sa incompetency na waring naipakita ng Pangulo sa pangyayaring ikinasawi ng 44 na operatiba ng SAF na aaresto sana sa dalawang most wanted na terorista.

Sa investigation reports ng Board of Inquiry ng PNP  at ng Senado, nagkakaisang itinuturo ang hindi pagsunod sa “chain of command” ng Presidente nang isagawa ang operasyon sa Mamasapano.

It seems we cannot have best of both worlds. May mga leader na magaling magpatakbo ng gobyerno at mabilis magpatupad ng mga proyekto pero nangungulimbat. Mayroon din naman na hindi nga nagnanakaw at subok ang katapatan pero walang kakayahang mamuno dahil napapaikot ng mga kurakot na tauhan. Kung ako ang tatanungin, wala akong pipiliin sa ganitong klase ng mga leader. Mas gugustuhin ko pa rin ang isang namumuno na bukod sa malinis ang reputasyon ay marunong magpalakad ng pamahalaan. Hindi katakataka na sa pinakahuling survey, sumadsad ang trust rating ni Presidente Aquino. Pero ang sabi ng Palasyo, hindi magpapaapekto ang Pangulo sa nangyaring ito.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BOARD OF INQUIRY

GETULIO NAPE

GRACE POE

MAMASAPANO

PANGULO

PERO

PRESIDENTE AQUINO

PRESIDENTE NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with