^

PSN Opinyon

Baka buhay pa sila

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG tagapagsalita ng PNP mismo ang kumontra sa pahayag ni dating PNP Chief Gen. Purisima na hindi raw bahagi ng tinatawag na “chain of command” ang DILG sa organisasyon nila. Sinabi ito ni Purisima sa patuloy na pagdinig sa Senado, tila pangangatwiran kung bakit hindi niya sinabihan si DILG Sec. Roxas tungkol sa operasyon ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao. Hindi rin niya sinabihan si PNP OIC Gen. Leonardo Espina. Hindi rin totoo na walang “chain of command” ang PNP. Iba lang daw ang tawag nila. Nagmamalinis na kasi si Purisima sa kanyang “abiso” kay SAF Director Gen. Getulio Napeñas na huwag sabihan “yung dalawa”.

Ayon kay PNP spokesperson Genereso Cerbo Jr., ang OIC ng PNP ay kailangang dumaan muna sa kalihim ng DILG na siya namang kumakausap sa Presidente. Kaya kung ano ang inisip ni Purisima sa mga araw bago ang operasyon sa Mamasapano kung saan 44 na SAF commandos ang napatay ng magkasaib-puwersa ng MILF at BIFF ay siya na lang ang may alam. Iba yata ang sinusundan niyang organisasyon at patakaran. Malinaw na wala talaga siyang plano sabihan, hingan ng payo, opinyon o pahintulot ang sinoman, maliban kay President Aquino. Kaya naman binatikos siya ni Sen. Miriam Santiago na kung hindi siya nakialam sa operasyon at suspindido naman siya, baka buhay pa ang 44 na SAF commandos.

May balita naman na sugatan si Basit Usman, ang pa-ngalawang target ng mga SAF commandos na nakatakas. May tama raw sa balikat at hirap gumalaw dahil na-stroke na pala. Kung ganun, hindi na siguro mahihirapan ang mga otoridad na hanapin at hulihin siya, kung hindi siya lalaban. Maliban na lang kung hindi na naman makakalapit ang mga otoridad dahil may mga nagbibigay ng proteksyon sa kanya.

Nangako si Aquino na ipagpapatuloy ang paghahanap kay Usman, bilang respeto na rin sa Fallen 44. Sana nga ay totoo ang pahayag ng MILF na tutulong sila sa paghahanap kay Usman, at hindi magsisilbing balakid. Baka naman isang “pinatakasi” muli ang maganap kung sakaling abutan na ng mga otoridad si Usman. Ito raw ang naganap sa Mamasapano nang magsanib-puwersa ang MILF at BIFF laban ang mga SAF. Pumasok daw kasi sa kanilang teritoryo kaya iisa ang kanilang layunin. Itaboy ang mga entremetido. Buti sana kung tinaboy lang eh walang-awang pinagpapapatay kahit wala nang laban.

vuukle comment

BASIT USMAN

CHIEF GEN

DIRECTOR GEN

KUNG

MAMASAPANO

PURISIMA

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with