^

PSN Opinyon

SAF 44 i-promote ng 3 times higher

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MALIWANAG na ang massacre ng mga bayaning SAF 44 ay dahil sa kapalpakan nina P-Noy, Paquito Ochoa, Alan Purisima, Getulio Napeñas at iba pa.

Malaki rin ang kasalanan ng MILF at BIFF dahil nag-overkill ang mga ito na parang mga asong ulol. Dahil sa nagmistulang pinagtutulak lamang ng  mga nasabing opisyal ang mga bayaning SAF 44 sa yungib ng libu-libong asong ulol, dapat lang ay bigyan sila ng karampatang hustisya.

Huwag na tayong humangad na isurender ng mga asong ulol ang mga kapwa nilang mga asong ulol sa ating PNP para malitis sa judicial process natin. Imposibleng mangyari ito. Ang mga nag-iisip ng ganitong klaseng hustisya ay tiyak na hindi pa nakaranas ng circumcision.

Kaya ang pinaka the best na hustisya na maibibigay natin sa mga bayaning SAF 44 ay bigyan sila ng 3 ranks higher na promotion; bigyan ng free scholarship ang mga naulilang mga anak hanggang kolehiyo; ang kanilang mga magulang naman ay bigyan ng libreng habambuhay na Philhealth card; at higit sa lahat, ipagawa sila ng memorial sa Libingan ng mga Bayani, na gawa sa granite, at pamumunuan ng mga pinaka-magaling na mga arkitekto ng bansa. Dito lamang sa paraan na ito makakabawi ang Estado sa brutal death ng mga bayaning SAF 44.

Siya nga pala, mayroon tayong National Security Adviser na si Secretary Ronaldo Llamas. Tulad ni Little President Paquito Ochoa, imposibleng hindi ito kasama sa planning to arrest Marwan and Usman. Ngunit nakabibingi ang katahimikan ng dalawa.

* * *

Lumalaki na ang ating kapatiran. Lalong dumadami ang nagpapamiyembro sa ROSE Movement, lalo na yung mga naging biktima ng contractualization. Kaya naman, hinihikayat ko ang ating mga uring manggagawa na makiisa na rin sa ating kapatiran.

Tayo’y magkaisa, huwag magpaisa. Sali na sa ROSE Movement, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected]  at bisitahin ang ating Facebookpagewww.facebook.com/rosemovementph.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

GETULIO NAPE

KAYA

LITTLE PRESIDENT PAQUITO OCHOA

MARWAN AND USMAN

NATIONAL SECURITY ADVISER

PAQUITO OCHOA

SECRETARY RONALDO LLAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with