^

PSN Opinyon

Dapat bantayan ‘confidential’ at ‘intelligence’ funds

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MALAKING isyu taon-taon ang bilyones na pondong inilalaan ng gobyerno sa confidential at intelligence funds o CIF.

Bukod ito doon sa milyones na alokasyon sa bawat ahensya at departamento na nasa General Appropriation Act (GAA) o national budget na ngayong taong 2015, P2.6 trilyong piso.

Sa 2015 ICF na P1.47 bilyong piso, Department of Interior and Local Government (DILG) ang may pinakamalaking alokasyon, P326 milyon. Sumunod ang National Defense, P269.4 milyon at pangatlo ang Department of Justice (DOJ), P212.8 milyong piso.

Pero ayon kay Budget Sec. Butch Abad, hihigpitan daw nila ang paglalabas at paggamit ng confidential at intelligence fund para masigurong hindi ito makurakot.

Mayroon daw mga panuntunan at pamantayang ginawa ang ‘key agencies’ ng gobyerno kung tawagin. Binubuo ito ng Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA), DILG, DND at Governance Commission for GOCCs (GCG).

Maganda ang prinsipyong ito. Subalit, depende sa kung sinong nakaupo at hahawak ng milyones na alokasyon sa bawat departamento.

Inamin na rin mismo ni Sec. Abad, madaling abusuhin ang confidential at intelligence funds dahil hindi madaling matukoy kung saan ito ibinubuhos at inilalaan ng mga namumuno.

Tulad ng sinabi ko sa aking programa kahapon, ma­lisyoso mag-isip ang BITAG Live. Baka kasi magkaroon na naman ng pagtatakipan sa paglustay ng pondo. Ilan kasi sa mga key agency na gumawa ng pamantayan at pa­nuntunan may malaki ring alokasyon sa P1.47 bilyong ICF.

Marami nang naungkat na mga kontrobersiya. Na kapag mangilan-ngilan at sila-sila lang ang nakakaalam kung saan napupunta ang pera ng taumbayan, dito nagkakaroon ng mga iregularidad at katiwalian.

Sa mga kaganapang ito, sana natuto na ang taumbayan. Magbantay, magbantay.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapa­kinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL APPROPRIATION ACT

GOVERNANCE COMMISSION

NATIONAL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with