^

PSN Opinyon

Happy New Year

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa madlang reader ng Ang Pilipino Star Ngayon, today ang unang buwan at araw ng year- 2015, buenas ang taong ito sa madlang Pinoy dahil ilang araw mula ngayon darating si Pope Francis sa Philippines my Philippines para dumalaw at mabendisyunan tayo.

Sabi nga, ito ang suerte!!!

‘Pero ang suerte ay hindi lumalapit ito ay kusang dumarating sa buhay ng isang Pinoy para mabiyayaan tayo kaya naman huwag natin kalimutan si Lord!’

Amen.

Umpisa na ang bakbakan sa politika

GET READY madlang pinoy ngayon taon up to May 2016 magkakaroon ng batuhan ng mga mababahong utot este mali akusasyon pala dahil uumpisahan na ng mga magkakalaban sa politics ang siraan.

Sabi nang mga kuwago na ORA MISMO, una naging biktima dito natinirya ay si VP Jojo Binay sa iba’t-ibang isyu nang katiwalian last year para sirain sa kanyang ambisiyon, kredibilidad at pagkatao para maging Pa­ngulo ng Philippines my Philippines sa year 2016 up to year 2021.

‘Kaya wala nang atrasan dito ratratan ng ratratan na para wasakin nang mga kalaban ni VP Jojo sa politika.’ sabi ng kuwagong alaskador.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa ibang lugar hindi lang tiryahan ang nangyayari kundi nag-uumpisa na rin ang mga mamamatay na mga kamoteng politiko na patayin ang sinumang haharang sa kanila sa eleksyon para hindi na ma­ging sagabal ang mga ito sa mamanukin o magiging kalaban.

Sabi nga, unahan ngayon sa pagkuha ng mga ‘hired killer’?

Ika nga, uso na ito!

Sabi nang mga kuwago ng ORA MISMO, masiado kasing maagang nagdeklara si Binay sa pagka-pangulo kaya upak dito, upak doon ang ginawa nang kanyang mga kalaban.

‘Si VP Binay pa rin ang nangunguna sa lahat nang survey samantala ang mga makakalaban nito ay nag-uunahan sa huli.’ Hehehe!

Sabi nga, kulelat!

‘Matagal pa ang eleksyon magbabago pa raw ang trending?’

Abangan.

Felicisimo Caeg Garing Jr., 65

HINDI na pinaabot ni Lord si Garing ng Naujan, Oriental Mindoro, para ipagdiwang ang Bagong Taon ngayon araw dahil bumigay na ito sa kanyang mga dinaramdam na sakit dyan sa Our Lady of Pilar hospital, Imus, Cavite, last Tuesday night.

Nakikiramay ang mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa half brother ni Atty. Biyong Garing, past DDGM ng NCR - E ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines, sa pagkamatay ni Jr., na ibuburol sa La Bienr Memorial Chaperls sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Biyong, ililibing sa Enero 4 (Sunday) ang kanyang kapatid sa Manila Memorial Park, Dasmarinas Cavite.

Ang hiling lamang ng mga naulila ay ipagdasal ang kanilang mahal sa buhay.

Sabi nga, So Mote it Be!

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BINAY

BIYONG GARING

CAVITE

DASMARINAS CAVITE

NANG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with