^

PSN Opinyon

Naghanda kay Ruby

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Mga Pilipino’y lubos na naghanda

naawa si Ruby at medyo humina;

Ang inaasahang malaking pinsala

ay hindi naganap – salamat Bathala!

 

Mga mamamaya’y pinalikas agad

evacuation centers napuno sa iglap;

Matanda at bata roon ay natambak

hingi ay pagkaing banayad ang patak!

 

Ang mass evacuation ay utos ni P-Noy

na tumpak nga lamang dahil sa panahon;

Sundalo at pulis kanyang pinatulong

upang magsilikas taong milyun-milyon!

 

Trabaho’y suspended, mga paaralan

nagsilbing sangtuaryo nitong sambayanan;

Matanda at bata roon ay siksikan

hintay ng evacuees ay bigas at ulam!

 

Lingkod-Kapamilya at mga Kapuso

ang unang tumulong huli ang gobyerno?

Kumilos na ngayon ang ating Pangulo

dahil natakot din sa lakas ng bagyo?

 

At bakit ngayon lang ating Presidente

ay nagmalasakit sa bagyong si Ruby?

Noong ideklarang malakas si Yolly

di siya kumilos, hindi nag-intindi?

 

Noong si Yolanda sinabing daraan

ang ating Pangulo’y tumahimik lamang;

Asikaso niya’y mga kasamahang

noon ay abala sa pagpayaman?

 

At ngayong si Ruby sinabing malakas

ang ating Pangulo’y nagpakitang-gilas;

kanyang iniutos maagang paglikas

kung kaya sa bansa’y maraming naligtas!

vuukle comment

ASIKASO

BATHALA

KAPUSO

KUMILOS

LINGKOD-KAPAMILYA

MATANDA

NOONG

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with