^

PSN Opinyon

Misis ng natalong governor sumama sa driver

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang iniwanan ni misis ang kanyang mister na dating governor at sumama sa kanilang driver?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday kay Arnel Doria ng Volkswagen Philippines, Bobby Kanapi ng Shell, Kirk Ramos, Director Francis Almora ng LTO-Region I, Bro. Manny Edquival, Erick San Pedro at Victorio Andrada ng Tolosa, Leyte.

Alam n’yo bang na­galit si misis sa kanyang mister na dating governor matapos matalo noong nakaraang eleksiyon?

Ayon sa aking bubwit, dahil sa pulitika, naubos ang kayamanan ng dating­ governor. Halos lahat ng properties niya ay naipagbili dahil ginastos sa kampanya.

Ang natira lamang na ari-arian ay ang kanilang house and lot. Pero ang masaklap, naisanla rin pala ito. Dahil wala nang pera si Gov, hindi niya ito natubos hanggang mailit.

Ayon sa aking bubwit, dahil nawalan na sila ng bahay, naglayas si misis. Iniwan ang kanyang mister at sumama sa kanilang driver.

Si misis at ang driver ay nagsama at tumira sa ibang probinsiya. Su­balit nasundan sila ni Gov. Nang mahuli ang dalawa, ginulpi ni Gob ang misis at binantaang papatayin ang driver-lover boy nito.

Dahil nagbanta si Gov na papatayin ang kanyang driver, inireklamo siya sa pulis at kakasuhan pa ng grave threat.

Ayon sa aking bubwit, ang dating governor na iniwan ni Misis at sumama sa kanilang driver ay si dating Gov. M. as in Mindanao.

vuukle comment

ARNEL DORIA

AYON

BOBBY KANAPI

DAHIL

DIRECTOR FRANCIS ALMORA

ERICK SAN PEDRO

KIRK RAMOS

MANNY EDQUIVAL

REGION I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with