^

PSN Opinyon

Binabatikos na lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LAHAT tila binabatikos na ng China. Noong Linggo, binatikos ng China ang Pilipinas dahil sa ginawang pag-angat ng reklamo sa United Nations. Isang linggo na lang ang natitira sa oras na ibinigay ng UN sa China para rumesponde sa reklamo ng Pilipinas. Hindi sila nakibahagi sa anumang usapan o proseso kaugnay sa reklamo ng bansa sa kanila. Dahil sa kanila naman daw talaga ang buong karagatan, hindi na raw nila kinailangang makibahagi pa sa anumang reklamo sa UN. Pero bakit sila apektadong-apektado kung walang saysay sa kanila ang reklamong inangat?

Ngayon, nagsalita na rin ang Amerika sa pag-aangkin ng China sa buong karagatan. Hindi raw malinaw at pabagu-bago ang pag-aangkin sa nasabing karagatan. Hindi ito tinanggap ng China. Taliwas daw sa pangako umano ng Amerika na hindi papanig kaninuman sa isyu ng teritoryo. May pangako ba talaga?

Pero kung siguradong-sigurado ang China na kaya nilang ipagtanggol ang kanilang pag-aangkin sa nasabing teritoryo at karagatan, ano pala ang takot nilang makilahok sa inangat nating reklamo? Maraming isyu nga ngayon na ganundin ang masasabi ko. Kung walang kasalanan, kung walang ginawang mali, ano ang takot humarap?

Ano naman kaya ang sunod na hakbang kapag lumipas na ang December 15 deadline sa China? Ano ang sunod na gagawin ng UN sa kasong ito? At ano na naman ang magiging reaksyon ng China? Dadating at dadating ang panahon na kailangang humarap na ang China sa reklamo ng Pilipinas. Miyembro sila ng UN. Permanent security council member pa nga. Hindi nila dapat pinawawalambisa ang orga-nisasyon kung saan pangunahing miyembro sila.

Huwag na rin sanang patagalin masyado ng UN ang kasong ito. Patuloy pa rin ang paggawa ng China ng mga istraktura sa mga pinagtatalunang lugar. Walang pumipigil sa kanila. Kung magtatagal ang kasong ito, ilang isla na ang may gusali, paliparan, o kampo militar pa nga ng China sa mga islang pinagtatalunan? At mapapatalsik ba sila kung maging pabor sa Pilipinas ang desisyon ng UN?

 

vuukle comment

AMERIKA

ANO

CHINA

DADATING

DAHIL

KUNG

NOONG LINGGO

PERO

PILIPINAS

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with