^

PSN Opinyon

Mayor, nang-aagaw ng misis

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang mahilig mang-agaw ng misis ng iba ang isang matulis na mayor?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Allan Peter Cayetano, dating Puerto Princesa City Mayor Eduard Hagedorn, Dra. Michelle Cloa ng Manila Doctors Hospital, Diana Suva, Irving Lisondra, Eduardo Espiritu ng DZRH, Francis Ladroma at Carlo Calaguas.

 Alam n’yo bang sa dinami-dami ng mga chiching ay mga magagandang misis pala ang paboritong nililigawan ni mayor. Ayon sa ating bubwit, napakarami nang tahanan ang winasak ni mayor dahil marami namang misis ang pumapatol din kay mayor.

At alam n’yo bang ang unang nawasak na tahanan ay ang pamilya mismo ni mayor. Iniwan  niya ang misis at mga anak at sumama sa kung sinu-sinong chiching. Meron din namang naging girlfriends na dalaga si mayor pero mas natsa-challenge daw sa mga may asawa kaya ito ang kanyang dinadale.

Ayon sa aking bubwit, dahil abogado at magandang lalaki si mayor, madali niyang napapaibig ang mga misis. ‘Yung isa ay misis ng isang OFW. Ito ay naging live-in ni mayor pero kinuwartahan lamang ni Mayor dahil dollars ang tinatanggap na alimony. Pero nang hiwalayan ng mister ang misis na pumatol kay mayor, hiniwalayan na rin ni mayor dahil wala na siyang mahuthot.

Pero ang isa pang malupit na ginawa ni mayor ay kinatalo ang misis ng kanyang kapwa mayor sa kanilang probinsiya. Abangan natin kung ano ang mangyayari kay Mayor Tulis kapag nakainkuwentro niya ang kapwa mayor na kanyang pinindeho.

Ayon sa aking bubwit, ang mayor na mahilig mang-agaw ng misis ng iba ay dating congressman at mayor ngayon sa Mindanao. Siya ay si Mayor M. as in Matulis.

 

vuukle comment

ALLAN PETER CAYETANO

AYON

CARLO CALAGUAS

DIANA SUVA

EDUARDO ESPIRITU

FRANCIS LADROMA

IRVING LISONDRA

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MAYOR

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with