^

PSN Opinyon

Same sex unions

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ikaw ay nag-asawa, dalawang relasyon ang reresulta. Una ay ang personal union – ang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang; pangalawa ay ang property union, ang pag-iisa ng pag-aari ninyong dalawa. Marami pang ibang ibubunga ang pag-asawa pagdating sa karapatan at obligasyon sa batas. Mahaba habang pag-aaral ang inilalaan dito ng lahat ng nais maging abogado.

Sa batas sa ngayon, ang lalaki ay maari lang ikasal sa babae. Kung nagsasama ng walang kasal, maari rin ituring na pinag-isa ang inyong kinita habang nagsasama, pareho ng tunay na mag-asawa. Basta dapat babae sa lalaki.

Sa Amerika, sa Europa at sa 17 na bansa sa mundo, pinapayagan na ng batas ang kasal sa pagitan ng kapwa lalaki o kapwa babae. Kabilang dito ang mga tradisyonal na Catholic countries tulad ng Spain, Portugal, Mexico, Argentina. Kahapon ay kinilala ng mga eksperto natin sa Civil Law ang matagal na ring itinutulak ng maraming myembro ng sektor ng LGBT (Lesbian, Gay, Bi-Sexual, Transgender) – na maaring ituring na labag sa Konstitusyon ang patuloy na pagkait sa LGBT ng karapatang maikasal sa isa’t isa.

Kung sa Kongreso ka susulyap, iba ang ihip ng hangin. Doon ay may mga panukala na imbes na paluwagin ang batas sa kasal ay sa halip ay lalo itong hinihigpitan. Sa Senado at sa House nga ay kapwa ibinasura ang panukalang same sex marriage. Sa isyu ng mga karapatan ng LGBT, magugulat ka na ang mga lolo at lola sa Supreme Court ang naunang opisyal na kumilala dito. Sa kaso ng Ang Ladlad party, tinanggap ng Korte na ang partidong ito ng LGBT ay may karapatan ding lumahok sa partylist system.

Ano man ang paniwala ng ating mga opisyal, malinaw na hindi na matatakasang pag-usapan ang isyu. Ang epekto ng nangyayaring globalisasyon sa labas ay mararamdaman din sa loob ng bansa. Maging ang US embassy ay nagbibigay na ng visa sa mga kasintahan na ikakasal sa same sex marriage sa Amerika. Ang same sex marriage, kesyo personal union or property union ang payagan, ay mainit na pagdedebatehan ng lipunan sa mga panahong darating.

 

vuukle comment

AMERIKA

ANG LADLAD

ANO

BI-SEXUAL

CIVIL LAW

KABILANG

SA AMERIKA

SA SENADO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with