^

PSN Opinyon

Pergalan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINAHAMON ko ang Office of Internal Security (OIS) ni DILG Sec. Mar Roxas na patunayan na hindi “Oplan Pagpakilala” lang ang ginagawa nilang pangri-raid sa mga pasugalan sa bansa. Kasi, habang tuloy-tuloy ang isinasagawang raid ng mga OIS ni Supt. Johnny Ormi, napupuna ng mga suki ko na may iniiwasan sila. Ang ibig bang sabihin n’yan, ang niri-raid lang ng OIS ay ‘yung hindi pa nakapag-commit sa kanila? Ano sa tingin mo Ariel “Molly” Acuña Sir? Para sa kaalaman ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima halos nilimas ng mga bataan ni Ormi ang mga saklaan sa Cavite noong nakaraang Huwebes. Nagtataka ang mga suki ko kung bakit hindi nakikita ni Ormi ang pergalan nina Fernan sa Salitran, kay Jessica sa stop light sa Highway sa Dasmariñas, at kina Jessica, Sonny Atienza at Maricon sa Naic? Ayon na kaya ang OIS sa kanila? Ang mga nahuli nina Ormi ay dinala sa Bacoor kung saan ang hepe ng pulisya ay mistah niya. Maging ang hepe pala ng intelligence ng Cavite PNP ay kaklase rin ni Ormi. Kaya nagbanta si Sr. Supt. Joselito Esquivel, PD ng Cavite, na ipapasara niya ang mga pasugalan sa area niya kapag hindi inayos ng magkaklase ang ginawang raid ni Ormi. Walang makolektang lingguhang intelihensiya si SPO4 Marlon Garcia pag nagkataon, di ba mga suki? Hinahamon ko rin si Ormi na pasadahan ang mga pergalan sa Batangas kung talagang accomplishment ang gusto n’ya at hindi pitsa. At upang madaling matumbok ang mga lugar ng mga pergalan narito ang tips: Ang kay Beth ay sa Bgy. Cotihan sa Taal; kay Twingkle sa Bgy. Payapa, Batangas City; kay Arnel sa Calaca; kay Tina sa Bgy. Mainaga sa Bauan; kay Venis sa Bgy. Sta. Monica sa San Nicolas; kay Leslie sa Bgy. Bancoro sa Agoncillo; at Tita sa Lemery. At ang mga bookies ng STL, lotteng at sakla ay patuloy pa rin dahil sa protection ni PO3 Antolin “Jhong” Valero, ang bagman ni Batangas PD Sr. Supt. Jireh Omega Fidel. O Gen. Purisima, alam mo na kung sino ang “on take” sa illegal gambling. Ginagamit umano ni Fidel si Valero na naka-assign sa intelligence ng PRO-4A para itago ang katiwalian n’ya kay Purisima subalit buking pa rin. Intayin natin ang premyo nina Fidel at Valero mula kay Purisima. Ang hepe naman ng Laguna na si Sr. Supt. Saligao ay nag-wait and see muna. Ni singkong duling ay hindi siya tumanggap sa illegal gambling. Kuntento na kasi si Saligao sa parating ng STL ni Don Ramon. Tahimik din si Rizal PD Sr. Supt. Bernabe Balba, kasi sekreto ang parating n’ya. Abangan!

 

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BGY

CAVITE

KAY

ORMI

PURISIMA

SR. SUPT

VALERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with