^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan ang MMDA traffic enforcers pag umuulan?

Pilipino Star Ngayon

NOON nakaraang buwan, nang interbyuhin ng isang radio program si Metro Manila Development (MMDA) chairman Francis Tolentino sinabi niya na maglalagay siya ng traffic enforcers sa gabi para magsaayos ng trapik. Ayon kay Tolentino, hanggang alas singko lamang daw kasi ng hapon ang duty ng traffic enforcers kaya hindi na sila nakikita sa gabi. Sa itatalaga raw niyang traffic enforcers sa gabi, mapapangalagaan ang mga motorista. Aniya, matutulungan din ng mga ito ang mga nasisiraan ng sasakyan lalo na kung bumabaha.

Pero nagpapasikat lang yata si Tolentino sapagkat hanggang ngayon, wala pang traffic enforcers sa gabi. At dahil walang nagmamantini ng trapik, nagkakabuhul-buhol ang trapik sa gabi. Gaya noong nakaraang Huwebes ng gabi na umulan nang malakas sa maraming lugar sa Metro Manila. Agad bumaha sa Maynila, Makati, Pasay at C5 road. Hanggang tuhod ang tubig sa Taft Avenue at hanggang baywang sa Gil Puyat Ave. (Buendia) at Pasong Tamo Ext. Dahil sa pagbaha, nagkaroon ng grabeng trapik. Hindi na gumalaw ang mga sasakyan. Walang nagawa ang mga pasahero kundi ang bumaba at maglakad sa baha. Kung hihintayin nilang gumalaw ang trapiko ay aabutin sila ng umaga. Marami ring nainip sa paghihintay ng sasakyan kaya naglakad na lamang. Sinagasa na nila ang ulan sa kadiliman ng gabi.

Nasaan na ang ipinangakong MMDA traffic enforcers na magsasaayos ng trapiko sa gabing nananalasa ang ulan? Nasaan sila sa panahong kailangan ng mga motorista? Natakot ba sa ulan at baha kaya umeskapo na? O naka-boundary na ng kotong kaya wala nang pakialam kung magkabuhul-buhol man ang trapiko at abutin nang madaling araw sa kalye ang mga pasahero at motorista.

Nagngingitngit ang mga motorista sapagkat kung kailan kailangan ang traffic enforcers, saka naman sila wala. Kung kailan masama ang panahon saka sila hindi mahagilap. At kapag maganda ang panahon, saka sila kumpol-kumpol na mistulang mga buwitreng naghahanap nang madadagit sa kalye.

 

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

GABI

GIL PUYAT AVE

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT

NASAAN

PASONG TAMO EXT

TAFT AVENUE

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with