^

PSN Opinyon

‘Dinukot o nagpadukot’ (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Naitampok namin noong mga nakaraang araw ang kwento sa umanong pagdukot sa anak nina Acmad “Axie” at Norhata Dimakuta na si Mohamad.

Isa-isang inimbestigahan ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ang mga pangalang nasangkot. Nagbigay ng salaysay sina Gleen Bandrang, Jalal Tiburon, Ahmad Angad Jr., at Jalud Macaraya. Si Jalud ay may binabanggit na Ansary Ibrahim na umano’y pinagmulan ng lahat.

Habang nag-iimbestiga sila sa simula lamang tumulong si Mysle Martin at hindi na nakipag-usap sa pamilya pagkalipas ng panahon. Ito ang dahilan kung bakit nila isinama sa kaso ang dalaga.

“Dalawa po ang iniisip naming dahilan sa pagkakadukot sa anak namin. Mistaken identity at love triangle,” pahayag ni Axie.

Si Mysle na sinasabing nobya ni Mohamad ay may iba umanong nobyo nung mga panahong yun.

Ayon sa salaysay ng pinsan ni Mohamad na si Ryan Dimakuta minsan daw niyang nakitang nagpunta sa tapat ng bahay nina Mohamad si Kevin kasama si Mysle. ‘Layuan mo si Mysle. Papatayin kita,” sabi umano nito.

Nang araw din yun ay nagkahiwalay ang dalawa. Napansin niya rin na may dala umano itong baril.

Matapos maibigay ang kani-kanilang panig. Tinimbang ng hukom ang bigat ng kaso.

Ika-24 ng Enero 2014 naglabas si Judge Rosa M. Samson ng Warrant of Arrest laban kina Jalud Macaraya at Ahmad Angad Jr. et al. Walang piyansa ang itinakda dito.

Habang kinakapanayam namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) sina Norhata at Axie ay tinawagan namin si NBI Director Virgilio Mendez upang linawin ang ilang impormasyon tungkol sa kasong ito.

“Nagkaroon kami ng pag-uusap kasama ang pamilya. Matagal na naming naimbestigahan yan at nagkausap-usap din kami nina DOJ Secretary Leila De Lima na kaharap sila. Habang nasa proseso kami ng imbestigasyon ang pamilya ay nagkaroon ng impormasyon. May naging operasyon sila kasama ang ibang grupo pero ang malungkot ni hindi nila ipinaalam sa amin,” salaysay ni Dir. Mendez.

May entrapment daw na naganap sa Cebu at may nahuli sila. Nag-file ng kaso ang pamilya Dimakuta. Binigyan din umano ito ng prayoridad ni DOJ Sec. De Lima.

“May sinampahan sila ng kaso at ang isa sa akusado ay nagtatago sa Mindanao pero ang lugar ay hindi naman accessible sa otoridad dahil nasa kabila. Tingin ko ang tatay ay alam kung ano talaga ang nangyari,” pahayag ni Dir. Mendez.

Ang naging problema lamang daw ay nung panahon na nagkaroon na ng usapan tungkol sa ransom ay naisantabi na ang NBI.      

“Nagharap kami ni DOJ Sec. De Lima, napag-usapan namin na may plano kaming ‘course of action’ dito. Ang tanging daan para sa solusyon ng kasong ito ay kapag nahuli namin ang inaresto nila sa Cebu,” wika ni Dir. Mendez.

Patuloy pa rin daw silang kumikilos para maimbestigahan ang kasong ito. May bago silang ‘task force’ na binuo para malutas at  maresolba ang pagdukot kay Mohamad.

Ang tanging makakapagbigay lang ng liwanag dito ay ang unang nahuli sa Cebu na si Jalal Tiburon.

“Ipagdasal na lang natin na nasa mabuting kalagayan ang bata,” dagdag ni Dir. Mendez.

Sumagot si Axie at ipinaalam sa amin ang ilang hakbang pang ginawa nila.

 â€œHumihingi rin po kami ng tulong sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) dahil alam namin nandun kay Commander Bravo ang isang suspek,” wika ni Axie.

Halos isang taon na nilang hindi kasama ang anak kaya sila nagsadya sa aming tanggapan.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mahirap isipin na mga NBI Agents ang dumampot sa kanyang anak. Kailangan sampahan nila ito ng kaso kung may nilabag itong batas.

Hindi nila pwedeng hawakan ito ng matagal dahil makakasuhan sila at sasabit sa ginawa nila. Bibigyan nila ng pagkakataon yung bata na makakuha ng abogado at ipaalam sa kanyang magulang.

Mag-iisang taon nang nawawala si Mohamad, Kung ‘mistaken identity’ agad nilang pawawalan ito.

Mahaba na ang itinakbo ng kasong ito. Nagkaroon ng imbestigasyon ang NBI, AKG maging si DOJ Sec. De Lima ay nakialam na rin upang malutas ang kasong ito. Umabot na rin ito sa tanggapan ng ating Pangulong Noynoy Aquino.

Maari rin naman may koneksiyon ang COCO-Scam sa pagdukot ngunit mariin nilang itinatanggi ng mga Dimakuta na sila’y konektado sa nasabing scam. Naging palaisipan din sa amin kung bakit Php225,000 lang ang ransom na hiningi ng mga ito.

Inamin nila na may mga kamag-anak silang sangkot dun sa ‘Coco-scam’ pero dumistansya sila sa mga ito.

Ilan din sa ating mga kababayang Muslim na naging kaugalian na ang paraang gantihan na lang. Hindi na nila idinadaan sa pagdemanda o sa mga pulis at sila na mismo ang dumidiskarte kung papaano sila makakaganti sa mga taong nagkasala sa kanila.

Ngunit sagot naman sa amin ni Axie gusto niyang daanin sa legal ang lahat.

Napakaraming katanungan ang kailangang sagutin dito. Kung ito’y love triangle nararapat lang na magbigay ng kanyang panig si Kevin Chua na sinasabing dating naging nobyo ni Mysle.

Sa kasalukuyan patuloy pa ring iniimbestigahan ng NBI ang pagdukot kay Mohamad.

Narito ang litrato ng dalawa sa suspek ng umano’y pagdukot na sina Ahmad Angad Jr. at Jalud Macaraya. Kung meron kayong impormasyon tungkol sa kanila makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan.

Kung may nakakaalam din sa kinaroroonan ni Mohamad ay agad lamang ninyong ipagbigay-alam sa aming opisina.

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

 

 Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

AHMAD ANGAD JR.

AXIE

DE LIMA

MOHAMAD

NILA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with