^

PSN Opinyon

Anti-Smoking Law, ningas cogon

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BALEWALA ang batas regarding sa Republic Act 9211 or Tobacco Regulation Act of 2003.  Ito yong batas na ipinasa sa Kongreso para ipagbawal ang pagyo-yosi sa mga public places kabilang dito ang mga eskuelahan, resto, hospital, public vehicles echetera.

Bakit ganito?

Sagot - walang nagpapatupad ng butas este mali batas pala para ibawal o hulihin ang mga nagyo-yosi sa mga public place!

Sabi nga, pakaang - kaang ang PNP, MMDA, LGU’s at Inter-Agency Commitee - Tobacco tungkol sa pagpapatupad ng RA 9211.

May mga resto sa Metro Manila partikular sa Makati City at  Pasay City na pinapayagan ang mga ‘guest’ nila na mag-yosi sa loob nila imbes na gumawa ng isang ‘smoking area’ para hindi madamay sa pagsinghot ng usok ang mga non-smokers.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang butas este mali batas pala ay may mandate na kanselahin ang mga business permit at may kaukulang P500 up to P10,000 ang fines sa lalabag dito.

‘Baka hindi nila alam?’

Abangan.

PNP at NBI sinisira

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas ‘Noriega,’ na saksakan ng dami ng case problema ang gumagawa ng gimik dahil ipinangongolekta nito si NBI deputy Raffy Ragos sa mga illegal activities sa Metro - Manila na mukhang hindi alam ng huli?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas ‘Noriega’ ay gamit din sa kalokohan ng isang alyas Fikes o Jaguar para mangotong sa iba’t-ibang klase ng sugalan sa Metro - Manila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang panakot ni alyas Noriega sa mga hindi magbibigay ng intelihensiya habang kinakaladkad ang pangalan ni Ragos ay mahuhuli sila o ipapa-raid sa NBI?

Naku ha!

Totoo kaya ito? Take note, DOJ Secretary Leila de Lima, Your Honor!

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Mike Bayong, aka Mike ‘berdugo’ ang gumagamit naman ng pangalan nina PNP Region 3 RD Petrasanta, isang Rosario ng Region 3, isang Col. Atienza, PD ng Bataan?  Isang alyas Reyes naman ang gumagasgas sa pangalan ni Ricardo Pangan, ng NBI?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Reyna ng paihi sa Bataan

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na matibay talaga ang mukha nila Mike ‘berdugo’, Malen ng Limay at Norma Aquino dyan sa Bataan dahil sila ang sindikato ng ‘paihi’ dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila magalaw dahil may pumapatong o nangingikil na mga anay sa PNP ang tatlong kamoteng itlog sa bawat operasyon ng ‘paihi.’

‘Malimit tapalan ng tatlong kamoteng itlog nang salapi ang mga nakapatong sa kanilang mga anay sa PNP kaya malaya ang operasyon nila sa pagnanakaw o pagsisipsip ng mga gasolina.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong salapi ang ibinibigay nina Malen, ng Limay, Norma Aquino at Mike ‘berdugo’ sa mga foolish cop.

Abangan.

 

vuukle comment

ABANGAN

ASSET

AYON

KUWAGO

MISMO

NORIEGA

NORMA AQUINO

ORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with