^

PSN Opinyon

Paghakot ng NFA rice: P1-B kickback

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UNGKATIN sana ni bagong Presidential Assistant on Food Security Francis Pangilinan ang bagong raket sa National Food Authority. Bilyong piso ang kini-kickback mula sa overpriced kontrata ng cargo handling.

Bagong modus operandi ito. Bistado na kasi ang dating “tong-pats” sa presyo ng bigas mula Vietnam. Nag-check ang mga graft-busters sa websites ng grains trading. Nakitang mas mahal nang P3.4 bilyon ang 705,200 toneladang in-import ng NFA nu’ng 2013. Hinabla na ng plunder sina Agriculture Sec. Proceso Alcala at NFA chief Orlan Calayag.

Mabuti pa ang linta: kapag busog na, kusang bumibitaw. Iba ang mga taga-NFA. Hindi nakuntento sa bilyon-bilyong kinikbak sa loob ng isang taon. Ngayon naman, inobliga ang state-owned Vietnam National Food Corp. (Vinafood) na upahan ang pinili nilang cargo handler. Ang Manila company na ito ang magbababa ng 800,000 toneladang bigas mula sa mga barko, at magta-truck patungong 14 na NFA warehouses sa bansa nitong Mayo-Agosto. May “tong-pats” na $30 kada tonelda sa kontrata ng Manila company ang mga kawatan sa NFA.

Muling nabisto ng graft-busters ang raket sa tulong ng Internet. Nirepaso sa websites ang presyo ng bigas ng Vinafood noong nanalo sa NFA supply bidding, Abril 2014. Ito’y $385 per ton, freight on board -- kasama na insurance at pagbarko hanggang 14 pier sa Pilipinas. Sinilip din sa websites ang cargo handling noon: $24 per ton. Sumahin ang dalawang numero: $409 per ton lang dapat ang NFA-Vinafood contract. Pero ang nakatakdang presyo ay $439. Malinaw, may “tong-pats” na $30.

Kwentahin: $30 kada tonelda x 800,000 tonelada x P45:$1 exchange rate = P1.08 bilyon, tumataginting na kabuuang “tong-pats.” Secretary Pangilinan, tugisin mo sana ang mga mandarambong.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ANG MANILA

FOOD SECURITY FRANCIS PANGILINAN

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA

ORLAN CALAYAG

PRESIDENTIAL ASSISTANT

PROCESO ALCALA

VINAFOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with