^

PSN Opinyon

Sugalan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG Lunes naglundagan ang mga iligalista sa kahari­an ni Mayor Joseph Estrada matapos na mapag-alaman na sasalakay ang mga tauhan ni MPD director CSupt. Rolando Assuncion bilang tugon sa kagustuhan ni NCRPO chief Dir Carmelo Valmoria.  Maging ang mga putahan at illegal vendors ay nangatakot  sa bantang pati sila ay sasalakayin. Siyem­pre nagtiklupan ang mga puwesto ng illegal gambling tulad ng bookies ng karera, lotting, PBA ending maliban na lamang sa video karera at fruit games dahil karamihan sa mga pulis ang nagmamay-ari. Kaya sa MPD headquarters marami ang nalungkot dahil karamihan sa collectors ay malaking datung ang mawawala sa kanila. Subalit dalawang araw lamang pala ang pakulo ng MPD sa mga iligalista dahil noong Miyerkules, nagbukasan na naman ang mga sugalan, kaya tuloy ang hinala ng aking mga nakausap na nagpataas lamang sila ng tara sa gambling operators, prostitution owners at illegal na puwesto  sa bangketa, hehehe! Subalit mukhang may naitsa-puwera sa mga collector sa MPD kaya may ipinaabot sa akin na sulat na naglalaman ng collection at kung kanino napupunta. Katulad na lamang sa T2 group na ang tinutukoy ay sina Supt. Villamor Tuliao ng  District Itelligence and Investigation Division (DIID), Supt. Jacson Tuliao, Station Commander ng Moriones, Tondo Police Station-2. Ang magkapatid na Tuliao ang nagmamani-obra ng collection sa mga iligalista sa nga-yon. Lumalabas sa sulat na ang napupunta sa opisina ni MPD Dir. Assuncion ay tumataginting na P450 kada linggo. Wow suwerte naman itong si Dir. Assuncion kung may katotohanan ang sulat na napasakamay ko dahil mapupuno ang kanyang bulsa ng walang kapagud-pagod. Ang mga umaaktong collector umano ay sina SPO3 Buboy Alquiroz ng PS-2, SPO1 Raffy Padua ng DID, SPO1 Jess Manalang ng DID, PO1 Bigboy Alquiroz ng DSOU/DID, PO3 Virgio Navarro (Ver Navarro) ng NCRPO at Badjao ng PS-7. Sa PS-2 naman ay may gayon ding collection na ang kumakatawan naman umano ay sina SPO3 Buboy Alquiroz, Po1 Bigboy Alquiroz at Po2 Rodel Gaddi. Ang mga gatasan at target umano ng grupo ay mga illegal nina Gina at Romy Gutierrez, Darry, Paknoy  at Joel Aquino sa VK. Si Ver Navarro naman ay may dalang taga Batangas na gambling lord na si Ignacio, Masagana, Ric Arce at Ryan. Dito umano umaani ng datung ang magkapatid na Tuliao na ipinamumumod sa mga opisyales ng MPD, subalit duda ako sa liham na ipinaabot sakin dahil sa pagkaalam ko hindi tumatanggap ng pera na galing sa iligalista si Gen. Assuncion. Abangan!.

vuukle comment

ASSUNCION

BIGBOY ALQUIROZ

BUBOY ALQUIROZ

DIR CARMELO VALMORIA

DISTRICT ITELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JACSON TULIAO

JESS MANALANG

JOEL AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with