^

PSN Opinyon

Hindi maipaliwanag nina Alcala, Calayag

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AKALA nina Agriculture Sec. Proceso Alcala at National Food Authority administrator Orlan Calayag, madadaan sa dedmahan ang isyu ng bigas. Pero nagkakamali sila. Isyu ng tiyan ang bigas. Mananagot at mananagot sila sa kakulangan at kamahalan nito, kundi ngayong administrasyon ay sa susunod. Tiyak ‘yun.

Maraming dapat ipaliwanag sina Alcala at Calayag. Una, bakit nagmahal ang bigas mula nu’ng Hunyo 2013 -- bagamat katatapos pa lang nang malaking ani nu’ng Marso-Abril? Sumikad ang presyo ng NFA rice noon sa P33 per kilo mula P22, at nananatili ngayon sa P27-P28. Labag ito sa tungkulin nila na panatilihing mura ang presyong palengke.

Ikalawa, bakit wala silang kinasuhang hoarder o smuggler noon at ngayon? ‘Yun daw ang mga salarin sa kakulangan ng bigas, pero wala silang ginawa. Na-expose si Davidson Bangayan alias David Tan bilang “Goliath ng rice smuggling.” Pero wala silang aksiyon maliban sa itatwa ito. Tapos, lumabas sa NFA records na binigyan pala si Bangayan nu’ng 2011-2012 ng pinaka-malalaking rice import permits.

Ikatlo, bakit sila umangkat ng 705,000 tonelada ng Vietnam rice nu’ng 2013 sa halagang $460 kada tonelada? Ang presyo noon ay $430 lang, at maari pang bumaba dahil government-to-government deal ‘yun. Bakit nangailangan pa ng private broker sa usapan ng dalawang gobyerno na magkaibigan? Totoo bang nag-overprice nang $100 kada tonelada, o kabuuang $70.5 milyon (P3.17 bilyon)?

Huli, bakit napako ang pangako ni Alcala na rice self-sufficiency mula sa taong 2013? Mas malaki pa nga kaysa nu’ng 2013 ang aangkating bigas ngayong 2014: 1 milyong tonelada. Nililinlang ba tayo nina Alcala at Calayag -- habang nagpa-fund raising para sa 2016 election?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ALCALA

CALAYAG

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

NATIONAL FOOD AUTHORITY

ORLAN CALAYAG

PERO

PROCESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with