Magkaalyadong opisyal may tampuhan na

ALAM n’yo bang nag-aaway na ngayon ang dalawang sikat na opisyal habang nalalapit ang 2016 presidential elections?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cyril “Jurot-jurot” Cupino ng DZRH, Cheryl Rose Currameng, Romy Gonzales, Leah Parinas, Lucy Fajutagana, Mary Jane Kalsada, Dr. Francisco Hipona ng CDO, Johan Agacer at Lourd de Veyra ng TV5.

Alam n’yo bang nag-walkout ang isang local official sa kanyang meeting sa isang top government official dahil sa isyu ng palengke sa kanyang lungsod?

Ayon sa aking bubwit, gusto ni Mayor na ipa-demolish ang isang lumang palengke para magtayo nang mas malaking pamilihan. Pero ang nasabing plano ay tinutulan naman ng top government official dahil ito raw ay nasa ilalim ng kanyang tanggapan na may kinalaman sa housing. Dahil sa galit ni Mayor, nag-walkout sa kanilang meeting. Bago pala nangyari ang insidente, nagkakaroon na sila ng hidwaan.

Ayon sa aking bubwit, nagtatampo na si Mayor sa kaibigang top official dahil ayaw nang tuparin ang kanilang kasunduan nang itatag ang kanilang political alliance. Usapan kasi na si Top official ang kanilang presidential candidate sa 2016 at ang running mate ay ang anak ni Mayor.

Subalit dahil nadadamay sa isang malaking eskandalo sa pork barrel ang anak ni Mayor, nagpasya ang grupo ng top official na huwag na itong kuning running mate. Mahihirapan na umanong manalo ang anak ni Mayor dahil sa eskandalo. Hindi naman ito matanggap ni Mayor dahil may kasunduan na. Kung hindi raw tutuparin ni Top official ang kanilang kasunduan, kakandidato ring presidente si Mayor.

Ayon sa aking bubwit, ang magkumpareng magkasama sa koalisyon na nagkakatampuhan at posibleng maglaban sa pagka-presidente sa 2016 ay sina Mr. J. at Mr. J.

Show comments