^

PSN Opinyon

‘Hustisyang bigong tumimbang’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ISA ang nag-amok… anim ang lumusob.

“Akala ko nag-iisa lang siya…kaya sumugod ako. May anim pa pala siyang kasama!” pagbabalik tanaw ni ‘Teteng’.

Nagsadya sa amin si Ruel Iligan o “Teteng”, 35 anyos ng Las Piñas City. Kinwento niya kung paano niya tinakasan ang pitong kalalakihang nagtangka daw pumatay sa kanya at sa kapatid na si Rogelio o “Lolong”—40 taong gulang.

Tubong-Baybay, Leyte ang pamilya Iligan. Pagsasaka, pag-aalaga ng manok pangkatay at maliit na palaisdaan ng tilapia ang kanilang kinabubuhay. Kwento ni Teteng, uso ang nakawan ng mga manok sa kanilang lugar.

Ika-26 ng Setyembre 2008, 10:00 AM pinatawag sila sa barangay matapos ireklamo ng kapitbahay na si  Romeo Ajoc, 40 anyos. Nakarating sa kanilang pinagbibitangan daw sila nila Lolong na nagnakaw ng manok.

“Narinig daw nila Renato Oliva, at Roger Lorecto---kabarangay naming sinabi ni Lolong na ninakaw ni Romeo at anak niyang si Renato ang aming manok,” salaysay ni Teteng.

Nagpaliwanag daw si Lolong tungkol dito. Sinabi nito sa harap ng Chief Tanod na wala siyang pinangalanang magnanakaw. ‘Di naman niya tinanggi na naisip niyang baka ginawa nilang pulutan ang manok. Napahiya raw ang mag-amang Ajoc ng sabihan si Romeo ng tanod na bantayan ang kanyang anak. Minsan din daw siya nitong ninakawan. Pinag-usap ang dalawang panig, nagkaayos naman daw sila sa huli at nagkamayan pa.

Bumalik sa pag-aararo ng araw na iyon si Teteng. Ganun din si Lolong na nasa gawing ibaba ng palayan at nagtabas . Ang isa nilang kapatid na si Romulo “Mulong”, 37 anyos bantay nun sa kanilang palaisdaan.

Alas-4:00 ng hapon biglang dumaan si Renato Ajoc sa gawi ni Teteng at naghamon, “Sumbagan ta!” (Suntukan tayo).

Napuno na si Teteng. Dati na raw silang nagkabanggaan ng putulin nito ang apat nilang niyog at isang puno ng saging.

“Matagal na siyang may atraso kaya sumugod ako!” ani Teteng.

Paglapit niya nabigla siya ng makitang anim pa palang kalalakihan ang nakasunod kay Renato. Kinalala niya ang mga itong sina Julito Itabli, Renato Oliva, Pacifico Oliva Jr., Romeo Ajoc, Roger Lorecto at Arcadio Lorecto.

 Palusob na ang mga ito kaya’t bago makuyog napaatras na si Teteng at sumaklolo ang kapatid niyang si Mulong mula sa ‘fish pond’. Maya-maya nakarinig na lang sila ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Nakita raw nilang may hawak na baril si Renato Oliva.

Nanakbo silang magkapatid. Nakauwi ng bahay si Mulong habang dumiretso sa barangay si Teteng para magsumbong.

Nang marinig ni Lolong ang kaguluhan, sumaklolo rin siya at pumunta sa bahay subalit papasok pa lang siya, inaabangan na raw siya ni Renato Oliva na noo’y nagtatago sa bulaklak…nakaposisyon na.

Pagdaan ni Lolong siyang labas nito, tutok at paputok ng baril. Nakasalag si Lolong at nadaplisan lang daw siya sa braso. Naglalakad siyang paatras papunta sa loob ng bahay habang nakatutok naman daw ang baril sa kanya.

“Kinalabit daw niya ang baril pero wala ng bala,” kwento ni Teteng. Pagpasok sa loob ni Lolong, siyang dating naman ni Romeo na may dala rin umanong baril at pumusisyon din sa labas ng kanilang bahay.

Pinalibutan daw sila ng mga ito. “Lusob na itong ginagawa niyo sa amin,” sigaw ng ina nila Lolong na si Regina.  Umatras ng bahagya ang anim subalit ‘di umalis.

“Kung ’di pa dumating ang isang CAFGU at ama ng magkapatid na si Roger at Arcadio Loreto hindi papaawat ang grupo,” kwento ni Teteng.

Sinugod sa ospital si Lolong. Nagsampa sila ng kasong  Attempted Murder sa Prosecutor’s Office, Baybay City.  Sa ibinigay na mga kontra-salaysay ng mga akusado tinanggi nila ang akusasyon at sinabing sina Lolong at Teteng ang umatake at namaril sa kanila…siyang humabol kay Renato Ajoc subalit napigil nila ang magkapatid at sinamahan pa silang papunta sa kanilang bahay. May dala pa raw sila Lolong na bolo nun.

Naglabas ng resolusyon si Pros. Rosulo Vivero. Naibaba ang kaso sa Attempted Homicide dahil ang sugat na natamo ng biktima ay hindi malala at 14days healing period lang.

Dalawang magkaibang ‘information’ ang binaba para sa kasong Attempted Homicide with the use of Illegal Possessed Firearm. Halagang Ph12,000 ang piyansa. Naglagak ng piyansa ang apat na akusado habang tumakas naman si Romeo Ajoc, Renato Ajoc at Renato Oliva.

Marso 5, 2012 nagbaba ng desisyon si Presiding Jugde Ma. Cleofe Militante ng MTC-Baybay City, Leyte na nagsasabi na wala namang naipakitang Medico Legal Certificate ang magkapatid tungkol sa mga tamang tinamo nila.

Binanggit din nila na dalawa ang may dalang baril pero wala naman silang tama ng bala. At yung may hawak ng bolo, sabi ng hukom, imposibleng makaligtas siya kung pagtatagain na wala man lang galos (unscathed).

Isa ring alituntunin na pinagbabatayan ng ating ‘judicial proceedings’ na ang ‘prosecution’ ay dapat maging sandigan ang lakas ng ebidensya ng kaso at ‘di ang kahinaan ng depensa ng mga akusado.

Sa mga kasong tulad nito mas papaburan ng hukom ang mga inaakusahan. Dahil dito pinapawalang sala (“Acquitted”) ang apat na akusado habang ang tatlong tumakas naman ay ‘di pwedeng desisyunan ang kanilang kaso dahil kahit ilang sandali ‘di nagkaroon ng pagkakataon ang korte na magkaroon ng ‘jurisdiction’ sa mga ito dahil sila’y tumakas at hindi nababaan ng demanda.

Itinampok namin sina Teteng sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, malungkot mang isipin subalit may mga kasong may kasalanan ang mga nililitis subalit kapag ito’y hindi napatunayan ng ‘prosecution’ ng walang bahid ng duda ang kanilang kasalan, tali ang kamay ng hukom na pawalang sala sila. “It is better to set free 100 guilty men than to put an innocent one in jail”.  Pagdating naman sa tatlo, kapag sila’y nahuli wala rin namang hihinto para buhayin ang kaso laban sa kanila dahil ’di pa papasok ang tinatawag na ‘double jeopardy’ o paglilitis ng dalawang ulit sa iisang akusado para sa iisang kaso. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

DAW

LOLONG

RENATO

RENATO AJOC

RENATO OLIVA

ROMEO AJOC

SILA

TETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with