^

PSN Opinyon

General manager ng LRT at MRT, binansagang OJT

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM  n’yo bang OJT (on the job trainee) ang bansag  ngayon sa mataas na opisyal  ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT)?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Noli Fuentevella ng Camarines Sur, ret. Gen. Pete Bulaong, Francis Ladroma, Ed Espiritu, Rizal Bautista at Willy Banzon.

Alam n’yo bang pinagtatawanan ng ilang empleado sa LRT at MRT ang kanilang general manager tuwing nagkakaroon ng aberya ang operasyon ng dalawang mass transportation system?

Hindi kasi malaman ng kanilang bossing kung paano aayusin ang mga tumitirik na train ng MRT at LRT. Kung sinu-sino ang mga tinatanong na mga tauhan kung paano ayusin. At dahil paiba-iba rin ang suggestions ng kanyang mga tauhan, siya ay naguguluhan at hindi niya malaman kung alin ang susundin.

Ayon sa aking bubwit, wala kasing background sa pamamalakad ng mga train si General manager kahit siya ay engineer kaya hindi tuloy makapagdesisyon.

Ang tanging qualification ni General manager sa kanyang posisyon ay ang pagiging KKK. Siya ay kaibigan at dating kaklase  ni DOTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya sa Philippine Science High School.

At ang isa niyang misyon sa pagiging GM ng MRT at LRT ay protektahan ang pangalan ng isang presidential sister at presidential brother-in-law na nasangkot sa extortion sa isang Czech company.

Ang general manager ng MRT at LRT na binansagang OJT ng kanyang mga empleado ay si GM Honorito “Joy” Chaneco.

vuukle comment

AYON

CAMARINES SUR

ED ESPIRITU

FRANCIS LADROMA

JOSEPH EMILIO AGUINALDO ABAYA

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NOLI FUENTEVELLA

PETE BULAONG

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with