EDITORYAL - Bantayan, mga ganid na negosyante
WALANG pinipiling panahon ang mga ganid na negosyante. Kung saan sila kikita nang limpak, gagawin ang lahat kahit pa nasa gitna ng kalamidad at maraming tao ang naghihirap. Kung saan may lubos na pangangailangan ang mga nasalanta, doon paikut-ikot na parang mga
‘‘hayok na buwitre’’ ang mga mapagsamantalang negosyante. Marami sa kanila ang walang konsensiya at itataas ang kanilang mga paninda para kumita nang malaki. Madalas nangyayari ang mga hindi makataong pagtataas sa paninda kapag nanalasa ang bagyo, habagat, baha at lindol.
Sa nangyaring mapaminsalang lindol sa Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao, tiyak na maraming “buwitreng†negosyante ang sasamantalahin ang sitwasyon. Sa dami nang mga naapektuhang tao, tiyak na maraming negosyante ang magtataas ng kanilang presyo sa mga pangunahing pangangailngan --- bigas, sardinas, isda, asukal, mantika at marami pang iba. Sa dami ng mga nawasak na bahay at mga gusali, ang mga materyales para sa muling pagtatayo ng bahay ay tiyak na magkakaroon ng pagtataas. Maraming mangangailangan ng kahoy, semento, pako, yero at iba pa. At tiyak na papatungan ito nang sobrang presyo. Sasamantalahin nila ang sitwasyon. Wala nang puwang ang awa kahit pa maraming nagdadalamhati dahil sa nangyaring kalamidad. Wala nang nararamdamang pagkahabag ang mga “buwitreng†negosyante. Basta ang alam nila, titipak sila nang malaki.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nararapat gumawa ng aksiyon laban sa mga negosyanteng nagsasamantala sa kapwa. Dapat magkaroon sila ng monitoring upang hindi makalusot ang mga “buwitreâ€. Magsagawa ng mga pag-inspeksiyon sa mga supermarket, tindahan, mga hardware para hindi mapagsamantalahan ang mga kawawang biktima. Hindi dapat patawarin ang mga mahuhuling “buwitreâ€. Parusahan sila nang mabigat. Kasuhan at bawian ng lisensiya para hindi na muling makapagtinda. Walang puwang sa mundong ito ang mga negosyanteng mapagsamantala at mas matakaw pa kaysa mga ‘‘buwitre’’.
- Latest
















