^

PSN Opinyon

Terorismo

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAGO ang lahat, isa munang maigsing announcement ng Capampangan in Media Inc. (CAMI) na kinabibila-ngan ng inyong abang lingkod: Si Olongapo Mayor Rolen C. Paulino ang panauhin ng CAMI sa weekly forum nito sa Bale Balita (House of News) sa Clark Free Zone in Pampanga bukas (Agosto 9). Si Paulino po ang unang Capampangan from Olongapo na naging alkalde ng lungsod na lumansag sa Gordon Dynasty na namayag­pag sa loob ng halos 50-taon. Tinambakan niya sa boto ang asawa ni James Gordon, Jr. nung nakaraang halalan.

Palibhasa’y isa akong blue-blooded Capampangan kaya nagagalak tayo sa balitang ito. Pero abangan natin ang mga repormang gagawin ng ating Cabalen bago tayo pumuri. Ang battle-cry ni Mayor “Bring back the old glory of Olongapo!” Quecayu caluguran ming Alcalde Paulino...Luid!

* * * *

Hindi naniniwala si Presidente Noynoy na ang malagim na car-bombing sa Cotabato kamakailan na kumitil sa walo katao at sumugat sa mahigit 20 iba pa ay kagagawan ng mga terorista. Sa paniniwala ng Pangulo, ito ay isang politically motivated na pangyayari na gawa ng mga tumututol sa narating na kasunduan ng pamahalaan at MILF na nagkakaloob ng awtonomiya sa mga Bangsa Moro. Naganap ito wala pang isang buwan ang nakalilipas nang mangyari ang isa pang pambobomba sa isang bahay aliwan sa Cagayan de Oro na  ikinasawi rin ng ilang medical practitioners na dumadalo sa isang convention.

Ang hirap naman, basta ang pambobomba ay hindi kagagawan ng Al Qaeda, Jamaah Islamiya o Abu Say-yaf, hindi na ito itinuturing na terroristic act. Para sa akin, kahit sino pa ang gumawa ng karahasan na naghahasik ng sindak at takot, ito’y isang akto ng terorismo. May motibo man o wala. Ang paglaganap ng street crimes at lantarang pananambang ng mga tinatawag na “riding in tandem”, ang mga nangyayaring pang­ gagahasa at pagpatay na dinadamay pati mga musmos na bata ay isang uri ng karahasan. Kung hindi terrorizing ang mga baswaing ganyan na hindi masupil-supil ng pamahalaan, ewan ko kung ano ang dapat itawag diyan.

At heto pa: Even rabid grafters and thieves within and without the government can terrorize the people with the hunger and grinding poverty resulting from their greed.

The depravity of man is terrorizing!

vuukle comment

ABU SAY

AL QAEDA

ALCALDE PAULINO

BALE BALITA

BANGSA MORO

CAPAMPANGAN

CLARK FREE ZONE

GORDON DYNASTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with