^

PSN Opinyon

Sol Aragones, walang talo sa San Pablo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG baga sa karera ng kabayo ‘pulling away’ na si dating ABS-CBN news reporter at Congressional aspirant Sol Aragones ang pambato ng UNA versus kay incumbent Rep, Ivy Arago kung ang pagbabatayan ang tiwala ng mga botante dyan sa 3rd district ng Laguna dahil lumalaki ang tiwala ng madlang people kay Sol,

Sabi ng mga asset ng mg kuwago ng ORA MISMO, dinudumog dahil gusto ng mga botante sa San Pablo ang pagbabago ng liderato kaya naman parang mga langgam sa dami kung salubungin nila si Sol oras na nakita nila ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos ayaw na raw ng madlang public sa kalaban ni Sol dahil alaws naman umano ito nagawa para sa kanilang lugar ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

‘miembro ba ng silent committee ang kalaban ni Sol sa Kamara ?’ tanong ng kuwagong nalinglang.

‘iyan ang itanong ninyo sa kanila.’

‘pati pala si Don Ramon ang jueteng lord ay tumatakbo rin sa politics’

Naku ha !

Abangan.

Serbisyong Makatotohanan, Ulat sa Bayan ng CPNP

GUSTO ni CPNP Allan Purisima na pagibayuhin ang serbisyo ng pulisya sa madlang public sa Philippines my Philippines kaya naman sa loob ng isang month or two ay ipatatawag niya ang kanyang lahat na regional police director mula Region 1 to 12 siempre including ang NCR para magbigay ng mga detail regarding sa kanilang accomplishments hindi lamang sa criminal activities kundi maging sa mga makakatohanan serbisyo nito sa madlang people.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, open ang tanungan sa kanyang kapulisan dahil magkakaroon ng press conference sa mga ito between media practioners para makarating sa madlang public ang mga magaganda at maging pangit na nagawa ng pulisya sa entire island ng Philppines my Philippines.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil naisip pa ni Allan na gawin ang mga bagay na ito kahit nakatutok na ang pulisya sa mga region porke malapit ng idaos ang May 13 election.

Sabi ni Allan sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang mga magaganda pangyayari sa kapulisan ang kanyang ibibigay sa bayan kundi ang mga kapalpakan ng kapulisan kung mayroon man.

Ika nga, pagbabago na ang tinutumgok ng PNP sa ilalim ni CPNP Purisima.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘oplan katok’ ng PNP regarding sa mga expired licenses, loose firearms, echetera ang kauna-unahan proyekto ng PNP kasaysayan ng pulisya mula ng maitatag ito

Ika nga, si Purisima ang naka-isip nito..

Sabi nga, kung may ulat sa panahon may ulat din si Purisima sa panahon ng kanyang panunungklan para sa mamamayan.

‘maraming pulis ang nakagawa ng magandang mga bagay  at halos magpakamatay para sa mamamayan  pero marami rin naman pulisya ang palpak kaya nasa kalaboso dahil sa mga nagawang kagaguhan. Hindi na papangalanan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sila dahil kakapusin ang ating kolum.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ALLAN PURISIMA

DAHIL

DON RAMON

IKA

IVY ARAGO

PURISIMA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with