^

PSN Opinyon

Rico Posadas at Edwin Balasa, huwag n’yong gamitin ang pangalan ko!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAIS kong tuldukan ang panghaharabas nina Rico Posadas at Edwin Balasa gamit ang aking pangalan sa pangongotong sa mga peryahan at larong kalye. Matagal nang ginagasgas nina Posadas at Balasa ang aking pangalan lalo na sa Calabarzon area. Iyan ang paniniyak ng ilang nagmamalasakit sa akin ng personal ng magtungo ang mga ito kamakailan sa MPD Press Office. Para maliwanagan kayo mga suki, wala pong basbas ko ang pananalasa nina Posadas at Balasa sa mga illegal sa kalye tulad ng pasugalan. Marami kasi ang tumawag sa akin at nagri-react sa expose ko. Subalit ang masamang balita, kinakaladkad pala nina Posadas at Balasa ang pangalan ko sa mga illegal. Hindi ko naman palalampasin ito mga suki dahil hindi ‘yan ang alintuntunin ko sa buhay. Kaya ang panawagan ko sa lahat ng kinakausap nina Posadas at Balasa, lalo sa Calabarzon area, wala akong kinalaman sa ginagawa nila.

Ang payo ko po, lumapit kayo sa mga pulis sa area n’yo at ipa-entrap sina Posadas at Balasa para makulong sila. Maliwanag na pangongotong ang ginagawa nila! Ang matatandaan ko lang, si Posadas ay kolektor ng mga matataas na opisyal ng PNP sa Cavite. At maraming beses ko na rin siyang naging topic sa kolum ko. Si Balasa ay dating kasama ko sa hanapbuhay at nasibak dahil sa pagkalulong sa bisyo. Lumipat si Balasa sa ibang tabloid at sa pagkaalam ko na-assign siya sa Bicol. Di ko lang alam kung nagagampanan pa ni Balasa ang trabaho niya dahil palagi siya sa Calabarzon area. Kung nagagawa ni Balasa na paglolokohin ang mga may illegal sa Calabarzon, maari ring ginagamit din niya ang pangalan ko sa ibang lugar ng Luzon, di ba mga suki? Kaya ang panawagan ko hindi lang sa PNP, kundi maging sa NBI at iba pang operating units ng law enforcement agencies na i-entrap sina Posadas at Balasa para matuldukan na ang masamang gawain nila gamit ang pangalan ko.

Kung ano man ang ginagawang dahilan nina Posadas at Balasa para makakolekta sa mga illegal, ay hindi ko na alam. Subalit marami na talaga ang nagrereport sa akin na ginigisa nila ang aking pangalan. Itong si Posadas ay hindi ko nakaharap ng personal di tulad ni Balasa na naging kasamahan ko sa hanapbuhay. Sana naman kung walang magawang matino sina Posadas at Balasa, huwag naman nila isalang sa illegal na gawain nila ang inosenteng tulad ko. Kaya nananawagan akong muli na huwag n’yong patulan ang anumang modus operandi nina Posadas at Balasa. Ang payo ko kina Posadas at Balasa ay kumayod kayo para magkasuweldo at mapakain n’yo nang maayos at matuwa ang pamilya, lalo na ang mga anak nyo. Huwag kayong pasaway! Abangan!

vuukle comment

BALASA

CALABARZON

EDWIN BALASA

KAYA

NINA

POSADAS

PRESS OFFICE

RICO POSADAS

SI BALASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with