^

PSN Opinyon

‘BITAG Action Center’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MIYERKULES ang tinaguriang People’s Day o Public Ser­vice Day sa BITAG Action Center.

Taong 2002 nang magsimulang umere sa telebisyon ng mga Pilipino ang programang BITAG.

Sa mahigit isang dekada nang naglilingkod ang BITAG sa ating mga kababayang naghahanap ng makakapitan at pag-asang matulungan mula sa kanilang dinaranas na suliranin sa kani-kanilang buhay.

Sa abot ng aming makakaya, pilit naming ginagawan ng paraan na matulungan ang lahat ng lumalapit sa aming tanggapan.

Hindi tulad sa mga nagsulputang Action Center ng ibang kakumpetensiyang programa, mismong ang inyong lingkod ang humaharap sa mga tao upang mapaking-gan ang hinaing ng bawat isang humihingi ng tulong sa aming tanggapan.

Masusing pinapakinggan at hinihimay ng aming mga BITAG investigators ang bawat detalye ng mga problemang inilalapit sa amin.

Mula sa mga problema sa lupa, mga kasong nanga-ngailangan ng legal na tulong, mga krisis sa trabaho, at mga suliraning dapat maimbestigahan ang binibigyan ng agarang aksyon sa aming BITAG Action Center.

Ang ilang maseselan at sensitibong problema ay agad na inihihiwalay at binibigyan ng nararapat na atensiyon.

Sa paglipat ng BITAG sa bago nitong tahanan sa People’s Television Network Channel 4 na ipinapalabas tuwing Sabado, alas-9:15 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi at BITAG Live sa Kapatid Network, Aksiyon 41 simulcast sa Radyo 5 araw-araw mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga, patuloy pa rin ang BITAG Action Center sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Para sa inyong sumbong at mahahalagang tips, tumawag sa 9328919, 9325310, mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected].  Maaari ring magsadya sa aming tanggapan, 299 Syjuco Building, Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

vuukle comment

ACTION CENTER

BITAG

KALAW HILLS

KAPATID NETWORK

PUBLIC SER

QUEZON CITY

SYJUCO BUILDING

TANDANG SORA

TELEVISION NETWORK CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with