^

PSN Opinyon

Culpable violations of DISHONESTY

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANG-ayon ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa punto ni PNP Region 9 director Chief Supt. Nap Estilles na sipain sa tungkulin ang mga policemen dahil sa ‘dishonesty’ kasi nabuko daw silang nandaya sa PNP entrance at promotional examination na ginawa ng National Police kunsumisyon este mali Commission pala sa Zambo City.

Kuento ni General Nap sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang termination case ay tungkol sa pagpapalabas ng NAPOLCOM resolution number 2012-261, para balewalain ang result ng April 17,2011 PNP entrance examination ng may 386 examinees dahil sa “statistical improbability of homogenous patterns of wrong answers.”

Ayon kay General Nap, nanganganib ang eligibility ng mga respondents na mga pulis na dahil malamang makansela sila tulad ng naka-indicate sa dismissal decision na rekomendado ng command.

Ayaw ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ilabas pa ang mga pangalan ng mga pulis para huwag ng dagdagan ang kahihiyan aabutin nila kapag napatunayan silang nagkasala.

Pinipilit ni Nap na may ‘evidence’ silang hawak para madiin ang mga sinasabing nagkasala.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay General Nap Estilles kaya ‘keep up the good work.’ Sir !

Abangan.

Luding ang financer ng 137 sa Baguio

NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil taga- Quezon pala sina Luding at Boy Bata pero bakit sila ang kumokontrol ng jueteng sa Baguio at Pangasinan.

Nilayasan pala nina Luding at Boy Bata ang kanilang lugar dahil nahihiya silang banggain si Charing at ang syota nitong si Eddie Yokaba sa illegal na pasugal sa Quezon kaya naman lumipat sila ng lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas si Luding sa mga bugok na official ng PNP dahil kapag nasa Baguio ang mga ito ay sa ‘mansion’ pa ng financer natutulog ang mga kamote with matching big amount of ‘pocket money.’

Kaya hindi puede itong hulihin sa kanyang jueteng operation na kumikita ng million of pesos sa Baguio papunta sa kabundukan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago, umalis ng Baguio si Luding ng paghuhulihin ng NBI from Manila ang kanyang mga alipores kaya crying like a cow ang mga nalambat dahil natulog sila sa presinto, pinagmulta at kinasuhan ng madakma sila.

Sa madaling salita umigtad si Luding sa Baguio pero nagpalamig lamang kaya pagkatapos ng init sa NBI ay balik ulit ito sa kanyang pasugal.

Abangan.

General (ret.) Danny Lim sa NBP

SIGURO kung gusto ng gobierno ni P. Noy na mawala ang corrpution at tumino ang mga preso sa New Bilibid Prison dapat si retired General Danny Lim ang ilagay dito bilang nuno este mali pinuno pala.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, plus madlang people kung paano nakakalusot ang mga nakakamatay na armas sa loob ng bilibid pati siempre ang initsang granada last time.

Bakit meron mga armas at granada ?

Saan ito galing at magkano ang kinita ng nagpalusot nito ?

Nagulat ang mga kuwago ng ORA MISMO, na parang ang mga gang leader na nakakulong sa loob ang may kontrol at namamahala sa NBP at hindi ang mga taga - Bureau of Corrections ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Para mawala ang mga agam-agam ng madlang people dapat si Lim na ang ipalit kay BUCOR director (ret.) General Gaudencio Pangilinan.

Kilala natin si Lim kung sino siya at alam natin na galit siya sa kurapsyon at para matapos na rin ang mga tsimis na mga Chinese druglord ang hari sa NBP ?

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

BOY BATA

BUREAU OF CORRECTIONS

CHIEF SUPT

GENERAL NAP

KUWAGO

MISMO

ORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with