^

PSN Opinyon

Burger stand ang iniikutan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAGSISILBING hamon sa liderato ni Eastern Police District (EPD) Chief Supt. Mike Laurel, ang lumalalang kriminalidad sa Marikina City. Kaliwa’t kanan ang nakawan at patayan na sangkot ang “riding in tandem” at mukhang walang kapabilidad si Marikina police chief Sr. Supt. Gabriel Lopez na masawata ito. Imbes kasi na ikutan ni Lopez ang mga PCP sa lungsod, ang iniikutan niya ay ang kanyang burger stand at ang gamit pa ay ang isyung mobile car ni De Guzman. Angel’s burger ba yon, Col. Lopez? At hindi naman masabi ni Lopez na wala siyang panggastos sa laban sa kriminalidad dahil tuloy din naman ang pag-iikot ni alyas Rocky sa mga pasugalan, beerhouse at iba pang illegal.

Sinabi ng mga residenteng kausap ko, halos lahat ng tindahan sa Bgy. Parang ay nanakawan na. Me ilan pa na halos dalawang beses nang pinasok. Ipinararating naman nila sa mga hepe ng pulisya at iba pang sangay ng City Hall ang problema subalit nagbibingihan lang sila. Ayon pa sa kanila, laganap din ang kaso ng “salvage” at ambuscades at hindi ito nadidiyaryo. Itinatago kaya ni Lopez ang tunay na kalakaran ng kriminalidad sa Marikina para hindi siya masibak sa puwesto? Idinagdag pa ng mga kausap ko na kung noong panahon ng mga Fernando, matahimik ang Marikina, ngayon ibang-iba na. At ang masama pa, palubog ang tinatahak na landas ng peace and order sa kanilang lugar! Maka-second term pa kaya si De Guzman? Welcome back Mayor Bayani Fernando!

May balak ang mga taga-Marikina na i-petition si Lopez para masibak kung ‘yon ang tamang paraan para masawata ang kriminalidad sa kanilang siyudad. Kaya kay Laurel nila ibinabato ang kalutasan ng kriminalidad sa siyudad nila dahil alam nila kakampihan lang ni De

Guzman ang kaklase at kababatang si Lopez. Si Laurel kasi ay namugad sa liderato ni dating NCRPO chief Dir. Boysie Rosales kaya tiyak alam niya kung paano lulutasin ang problema sa Marikina.

Kaya sa susunod na local election, dapat palitan na ng taga-Marikina si De Guzman para maibalik sa dating gawi ang katahimikan sa kanilang siyudad. Abangan!

vuukle comment

BOYSIE ROSALES

CHIEF SUPT

CITY HALL

DE GUZMAN

EASTERN POLICE DISTRICT

GABRIEL LOPEZ

KAYA

LOPEZ

MARIKINA

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with