^

PSN Opinyon

Mabuhay Temple Shrine

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

THIS coming March 9 to 10, 2012, tinatawagan magparehistro na ang mga Master Masons na gustong sumama sa Mabuhay Temple Shrine Ceremonial sa Penafrancia Resort, Barangay Pansol, Naga City.

Tinatawagan ang lahat ng mga Kuyang specially ang mga taga - Region 5 na sumali sa nasabing seremonya.

Sabi nga, mga brethren from Bicol!

Ang Maginoo Shrine Club ang host todits kaya ang lahat ng ‘MM’ na interested ay puedeng kontakin sina Noble Lawrence Plata sa cel no. 0927 - 808-2594 at Noble Lito Mendoza - cel no. - 0905- 265-6692. 

Sabi nga, ‘No man stands so tall, so as to help burned and crippled children.’

Ano pa ang hinihintay ng mga Kuyang sali na sa Mabuhay Temple Shrine Ceremonial.

Ika nga, magpa-rehistro habang maaga!

P100 million, suhulan

AYAW pang aksyunan ng malakanin este mali Mala­kanyang pala na gumawa sila ng legal action versus defense team ni CJ Renato Corona sa isyu ng suhulan blues daw.

Mukhang nasaktan ang Malakanyang sa sinasabing tsimis ng defense team ni CJ kaya naman hinahamon nila ang defense panel na patunayan ang kanilang mga bintang.

Nasaktan ang Malakanyang sa ibinatong utot dahil bumaho sila este mali paratang pala dahil ito anila ay isang malaking insulto para kay P. Noy at sa madlang people.

The other night, inakusahan ng mga attorney ni CJ ang Malakanang na inutos daw ng mga ito sa mga senator-judge na huwag sundin ang court order sa paglilitis ng punong mahistrado sa Senado kapalit ang P100 million.

Hindi naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na tatanggapin o kayang suhulan ang mga Senador.

Hindi sila magpapakasira kapalit ng kanilang kara­ngalan.

Ang pinaguusapan dito ay ‘history’ para sa pagpapatalsik kay CJ Corona dahil ito ang kauna-unahan Supreme Court Justice sa Philippines my Philippines na kinasuhan para i-impeach.

Abangan.

Robredo gasgas sa Region 1

NILALAPASTANGAN ng mga jueteng lords ang pangalan ni SILG Jesse Robredo dyan sa Region 1 sa pagsasabing kabilang ito sa payola nila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kailangan na sigurong supilin ang mga gambling lord sa Pangasinan na pinamumunuan ng isang alyas Boy ‘Bata,’ sa Ilocos at Baguio.

Kaya dapat maghanda na si Boy Bata dahil anuman oras mula ngayon ay tiyak susungkitin ito ng mga PNP na hindi niya nasuhulan.

Ayon sa ulat may mga kamoteng PNP at mga timawang pulitiko dyan  sa Region 1 ang nakikinabang sa pitsa ni Boy Bata at iba pang mga bangka sa mga illegal gambling dyan sa Region.

Kaya naman may order na gawin nilagang kamote ang mga ito kapag nahuli dahil marami na kasi silang isinasangkalan pangalan na mga opisyal ng gobierno.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANG MAGINOO SHRINE CLUB

BARANGAY PANSOL

BOY BATA

JESSE ROBREDO

KAYA

KUYANG

MABUHAY TEMPLE SHRINE CEREMONIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with