Decriminalize libel!

IGINIIT ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtanggal ng parusang pagkakulong sa mga kasong libelo.

Sa kasalukuyang Article 355 ng Republic Act No. 3815 (Revised Penal Code), ang parusang nakatakda sa kasong libelo ay multang hanggang P6,000 at pagkakulong na hanggang anim na taon at isang araw.

Pinuna niya na kadalasang ginagamit lang ng ilang partido ang libel law, laluna ang imprisonment penalty provision nito, upang i-harass ang mga journalist at mapigil sila sa pagbubunyag ng mga iregularidad.

“Such stiff penalty curtails freedom of expression and threatens journalists and other media personnel who criticize or expose wrongful acts,” ayon kay Jinggoy sa kanyang Senate Bill 83 (an act to abolish the penalty of imprisonment in libel cases).

Matatandaang sinabi rin ng United Nations Human Rights Committee na ang kasong libelo sa ating bansa ay “incompatible with the International Covenant on Civil and Political Rights, specifically on freedom of expression” kung saan ay signatory ang Pilipinas.

Base sa Article 19 ng Covenant: “everyone shall have the right to hold opinions without interference…, shall have the right to freedom of expression… either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice… subject to certain restrictions like respect of the rights of others and the protection of national security or of public order and public health or morals.”

Iginiit ni Jinggoy na ang media sa kabuuan ay nagpapalaganap ng impormasyon, naghahayag ng katotohanan at nagbubunyag ng iregularidad sa lipunan. Itinatakda naman aniya ng batas ang pagprotekta sa karapatan ng bawat indibidwal laban sa anumang posibleng maging pagmamalabis ng ilang mamamahayag.

Gayunman aniya ay hindi makatuwiran ang parusang pagkakulong sa ganitong uri ng mga kaso. Sapat na aniya ang parusang multa sa ganitong mga usapin tulad ng ipinaiiral sa maraming mga bansa sa buong mundo.

* * *

Birthday greetings kina   Vilma Batac-Burgos, Lourdes Alegre at Conrado “Pogs” Tubig (February 10).

Show comments