^

PSN Opinyon

Nahihilo, nahihibang, nagugulo

Panaginip Lang -

MAYORYA ng sambayanan ay nais na umigi ang kalusugan ni Madam Senyora Donya Gloria. Malamang ang karamihan ay sinama pa sa kanilang panalangin ang pag-igi ni Madam Gloria. 

Bakit kanyo? Simple lang ho, lahat ay nais na maranasan niya ang makulong sa ordinaryong selda. Ito rin ang kahilingan ng halos lahat ng mamamayang natanong o sumagot sa mga informal survey ng iba’t ibang telebisyon at radio stations. So, bakit sinasabi ni Elena Bautista Horn, ang tagapagsalita ni Madam Gloria na merong “Put the little girl to sleep” plot. 

Kasi nahihilo na sila sa problema. Hindi nila inakalang walang magagawa ang mga tuta nila sa Korte Suprema. Ang mga tinalaga ni Madam Gloria sa Korte Suprema ay handang suwayin ng Malacañang na suportado ng mamamayang Pilipino. Nais ng mamamayan na magbayad ang corrupt. 

Nahihibang na sila at wala nga sila sa poder at pinagbabayaran na nila ang mga kasalanan pero buong akala nila lahat pa rin mabibili nila o di kaya’y matatakot nila. Naguguluhan na rin sila dahil buong akala nila ay hindi ganuon katigas si Pres. Noynoy Aquino na patupad ang pangako niya nuong kampanya na ang sinumang gumawa ng kasalanan ay dapat maparusahan. Hindi rin nila inaasahan ang mga pangyayaring ito na ultimo mga kakampi nila ay kanya kanya nang tago. 

Ang iba naman nakikipag-usap na sa kasalukuyang administrasyon. Panahon nang laglagan at pagsalba sa sarili. Love myself, ika nga ng isang dating opisyal              ni Madam Gloria na nagpapalamig muna sa probinsiya niya sa Mindanao. 

Kaya asahan natin, mas marami pang kathang isip ang iimbentuhin ng kampo niya lalo na si Horn Girl, Atty. Ferdie “Mancao” Topacio at iba pang mga sinungaling, mandaraya at magnanakaw.

* * *

May natanggap akong text kahapon, “walang katotohanan ang Put The Little Girl to Sleep” ang totoong plot ay “ Patayin sa sindak ang pandak.”

* * *

Para sa anumang re­aksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

vuukle comment

ELENA BAUTISTA HORN

HORN GIRL

KORTE SUPREMA

MADAM GLORIA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NILA

NOYNOY AQUINO

PUT THE LITTLE GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with