^

PSN Opinyon

Kunsintidor si Mister

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NANG magkakilala sina Pol at Tina, agad silang nagkagustuhan. Sa paniniwalang marami silang pagkakapareho at sapat na ito para maging matibay na pundasyon ng isang pamilya, nagpakasal sila.

Nagpatuloy ang libangan ng mag-asawa: ang pagpunta sa mga disco at pagpapasarap sa buhay. Hindi nagtagal, nakipagrelasyon si Pol sa ibang babae at si Tina ay sa ibang lalaki. Hindi iniintindi ni Pol ang pagsama ni Tina sa kung sinu-sinong lalaki. Hindi naman pinakikialaman ni Tina ang pambababae ni Pol. Pinadadalhan pa ni Pol ng pera si Tina sa pamamagitan ng ibang tao lalo sa panahon na may karelasyon itong ibang lalaki upang masigurado na hindi rin siya iistorbohin nito.

Nang tumigil na si Pol sa pagpapadala ng pera, nagdemanda si Tina para humingi ng sustento. Ayon kay Pol, hindi siya obligadong magbigay ng sustento sa misis lalo at nakikipagrelasyon ito sa ibang lalaki. Bilang kontra-demanda, nagsampa naman si Pol ng kaso para pormal na hiwalayan ang asawa.

May karapatan ba si Tina sa sustentong hinihingi at maibibigay ba ang legal separation sa mag-asawa?

May karapatan si Tina sa sustento. Ang pangangaliwa ng babae ay depensa para umiwas sa pagbibigay ng sustento pero hindi ito puwedeng gamitin ni Pol. Maaari sana kung si Tina lang ang nagtataksil pero sa kaso nila, pareho silang gumagawa ng immoral. Walang nakasulat sa batas na kung parehong nagtataksil ang mag-asawa ay hindi na puwedeng humingi ng sustento ang isa sa kanila. Ang tawag sa doktrinang ito ay “in pari delicto”, ibig sabihin, dahil pareho silang may pagkakamali, nagpapatuloy ang obligasyon nila na suportahan ang isa’t isa.

Hindi rin puwedeng humingi si Pol ng legal separation. Ang ginawa niya noong una na pagbibigay ng pera kay Tina na pinadadaan pa sa ibang tao at ang katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang kaso sa korte laban kay Tina ay matibay na katibayan na pinatatawad niya ang ginawang pagkakasala sa kanya ng asawa. Ito ang desisyon sa kasong Almacen vs. Baltazar, L-12028, May 23, 1958 na magagamit ni Tina.

AYON

BALTAZAR

BILANG

IBANG

MAAARI

NAGPATULOY

POL

TINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with