'Matyagan ang holdaper na taxi!'

PINAG-IINGAT ng BITAG ang lahat sa URGE TAXI na may plate number na PVM 923 dahil siguradong mabi-biktima kayo ng holdap.

Kamakailan ay nalathala sa kolum na ito ang estilo ng panghoholdap ng isang sasakyang taxi matapos itong ireklamo sa BITAG ng kaniyang biktima.

Ang estilo, nagtatago sa likurang compartment ang kasabwat na holdaper ng drayber at lumalabas ito sa likurang upuan ng taxi kung saan nakasakay ang pasahero.

Hindi muna namin pinangalanan ang nasabing taxi dahil nasa kasalukuyang proseso ito ng pagpapatawag sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Subalit dahil sa natuklasan ng BITAG sa bogus na impormasyon ng taxi, sinusunog na namin ang pagkakakilanlan ng taxi at ng may-ari nito.

Nitong nagdaang linggo ay pinakilos ng BITAG ang aming mga undercover upang tuntunin ang kinaroroonan ng taxi.

Base ito sa impormasyon na nakuha ng BITAG sa LTFRB mismo. Sa record na nakuha ng BITAG, ang URGE Taxi ay pag-aari ng isang Jonathan Santos.

Iisa lamang ang unit ng taxi na ipinapasada ng URGE at naka-address ang tanggapan nito sa Fidella Subd, Las Piñas City.

Sa ilang araw na pagmamanman ng aming undercover, wala ang taxi sa nabanggit na address. Ayon sa mga residente at mismong guards ng subdibisyon, wala silang taxi nakikitang nananatili o maging operator nito

 na naninirahan sa kani-lang lugar.

Ibig sabihin, bogus o hindi totoo ang mga detalyeng isinumite nito sa LTFRB. Ang tanong, pa­a­nong nabigyan ng prangkisa ang holdaper na taxi na ito?

Kaya naman nanana-wagan ang BITAG sa lahat, sa aming mga taga-subay­bay at sumusunod sa kolum na ito.

Matyagan sa inyong lugar, sa kalsada, sa mga mall at pilahan ng taxi ang URGE taxi na may plate number na PVM 923.

Patuloy ang pambibiktima ng mga holdaper at mismong drayber nito. Kalimitan, sa madaling araw pumapasada ang suspek at target nitong biktimahin ay mga call center agent na papasok o pauwi pa lamang sa trabaho.

All points bulletin ang panawagan ng BITAG sa suspek na ito.

May nakahandang patibong para sa mga tulad niyang dorobo!

Show comments